DAHAN-DAHANG iminulat ni Sofie ang kaniyang mga mata. "Wife..." Doon ako napalingon. Ang asawa ko. Napalunok ako ng maalala ang mga nangyari. Bigla akong napabangon. Ngunit maagap ako nitong inalalayan. "A-ang anak natin.." kabadong tanong ko sa asawa. Naramdaman ko ang pagpisil nito sa mga kamay ko. "They're fine." Doon naman ako nakahinga ng maluwag. Napaluha ako sa kagalakan. Bigla ko ring nahawakan ang tiyan ko. "Thanks God at malakas ang kapit ng kambal," wika pa nito. Napatango naman ako. Niyakap naman ako nito at hinalikan sa noo. Hanggang sa kumalas ako rito at tinitigan ang asawa. "Si Sofia?" Sabay lunok. Nagtaka ako ng mapayuko ito. Lumambot din ang expression ng mukha nito. "Sa mga oras na ito, nakasakay na siya ng eroplano." Gulat akong napatitig sa asawa. Nagt

