NAGULAT si Alex ng biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Pumasok doon si Sofia na maluha-luha? "Hey, what's wrong--" Sa pagtayo ko, bigla akong napahinto ng yumakap na lang ito bigla. Kumunot naman ang noo ko. "Sofia--" "Ang sama niya Kuya Alex!" umiiyak na wika nito. Lihim akong napailing at ang higpit ng pagkakayakap nito at nakasiksik pa sa dibdib ko! Alam ko naman na ganito na no'n pa si Sofia, ngunit 'di na ako ngayon komportable lalo na't asawa ko na ang kapatid nito. Ayoko ring isipin na may lihim pa itong pagtingin sa akin. Matagal na rin kaming mag-asawa ni Sofie at hindi ko naman ito nakikitaan ng mga bagay na nagpapakita ng kasiraan ng relasyon namin ng asawa ko. Iniisip ko na lang na sadyang ganito talaga ito. Malambing at gustong gustong nabibigyan ng atensyo

