5 YEARS AGO... MATAMANG nakatitig ng palihim si Daniel sa dalagang buong tamis na nakangiti habang kausap ang mga kaibigan nito. Ang mga mata nitong nagniningning na kay tagal niyang inasam na muling masilayan. Ang mukha nitong hindi mailalarawan kung gaano ito kasaya ngayon. Ang halakhak nito na nagbibigay kiliti sa kaniyang tiyan pababa sa kaniyang puson! Ang pamumula ng pisngi nito na nakakagigil pisilin at pugpugin ng halik! Ang mga labi nitong kay tagal niyang inasam na muling matikman. Mahagkan. Ang laki na ng pinagbago nito. Maikli na ang buhok nito na hanggang balikat at kulay itim na ulit iyon at tuwid na tuwid. Lalo itong gumanda at naging bilugan ang mukha. Binagay pa rito ang bangs nito na talagang nagpalakas lalo ng appeal nito. Tipong sa t'wing nakikita niya ito, n

