LUMIPAS pa ang mga araw, linggo at buwan. Lalong 'di ko kinakaya ang pagiging malapit ng kakambal ko sa asawa ko. Dumating sa puntong halos dito na ito tumira sa pamamahay naming mag-asawa. Ang ikinaiinis ko na iyong pati obligasyon ko sa asawa ay inaagaw na nito. Tipong magluluto din ito sa bahay namin at halos ito ang kumikilos na asawa! Katulad ngayon. Akmang i-aabot ko ang adobo sa asawa ng unahan ako nito. At ang nakakapanggigil, ito pa mismo ang sumalin ng malamig na tubig sa baso ng asawa ko. Pero kung titingnan ito, para itong batang inosente na daig pang walang masama sa pinaggagawa nito! "Masarap ba, Kuya Alex?" tanong nito. Tumango naman ang asawa ko. "Halos magkapareho na kayo ng asawa ko kung magluto." Ganado ito sa pagkain. Tahimik naman akong kumakain kahit ang to

