CHAPTER 76

1871 Words

ILANG katok ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakaupo. Nang mga oras na 'yon nanunuod ako ng movie sa loob ng kuwarto namin ng asawa ko. "Ma'am Sofie, nandiyan po sa ibaba ang kakambal niyo. Si Ma'am Sofia po," anang kawaksi. Parang tinadyakan sa kaba ang dibdib ko sa 'di maipaliwanag na dahilan. Bumilis din ang t***k ng puso ko. Nakakapagtakang pinayagan ito nila daddy na pumunta dito sa mansion? O baka gumawa na naman ito ng sariling k'wento nito? "Sige ho, Aling Susing. Pakisabing bababa ako." Magalang naman itong tumango at 'agad ding umalis sa harapan ko. Sandali pa akong natulala habang may kaba sa dibdib ko. Bigla ko ring nahaplos ang sariling tiyan. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago napagdesisyunang bumaba ng sala. Ilang beses din akong nagpapakawala ng buntong hini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD