BIGLANG napabalikwas si Sofia ng mapansing nasa ibang kuwarto siya. Bigla siyang napalunok. Paano akong napunta rito? Mabilis niyang iginala ang paningin. Malinis ang buong kuwarto at halos walang kagamitan? Lalong nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang iba na ang kasuutan niya! Bigla siyang namutla! Sa nanginginig na katawan, nagmamadali siyang bumangon at halos takbuhin ang pinto. Ngunit laking gulat niya ng hindi 'yon mabuksan! Malakas niyang pinihit ang seradura. Ngunit walang silbi. Unti-unting binabalot siya ng matinding takot. Nagsisitaasan din ang kaniyang balahibo. "Palabasin niyo ako rito!" malakas na sigaw ko habang malalakas na pinaghahampas ang pintuan. Napakurap siya ng manginig ang kaniyang labi habang umiinit ang kaniyang mga mata sa pinipigilang mapaiyak. Hang

