NAGTAKA si Alex ng hindi niya makita ang asawa sa living area. Ngayon lang nangyari na hindi ako nito hinintay. Iginala ko ang paningin. Hanggang sa makita ko ang isang kawaksi na si Lele. "Lele, bumaba ba ang asawa ko? Kumain na ba siya?" "Kanina po bumaba siya, sir. Pero 'di pa rin po siya kumakain," magalang nitong sagot. Isang tango ang ibinigay ko rito at nagmamadaling umakyat sa itaas. "Wife?" Kumunot ang noo ko. Bakit madilim 'ata? Binuksan ko ang mga ilaw. Wala naman ito sa kuwarto. Tinungo ko ang closet area, wala rin ito doon. Binuksan ko ang banyo, pero walang tao. Kunot ang noo ng tinungo ko ang terrace na nasa loob din mismo ng kuwarto namin. At doon lang ako nakahinga ng makitang nakaupo ito roon. Pero hindi nakaligtas sa akin na para bang nakatulala ito at malali

