"FIA.." Kaagad akong napalingon. Napatayo ako ng makitang si Mrs. Ching ang nasa likuran ko. Ang Lead Architect ng team namin. "Yes, ma'am?" nakangiti at maaliwalas na wika ko. Tumikhim ito. "Congratulations!" biglang wika nito at ngiti sa akin. Nagtatanong ang mga mata kong napatitig sa matanda. Hanggang sa magsalita itong muli. "Mr. President conveys that his business partner liked your designs, and you are the Architect they want to hire for the project they will be building this year." Gulat akong napaawang ng labi. Pansin ko rin ang singhapan ng ilang nakarinig. Muli itong ngumiti sa akin. Hanggang sa i-abot nito ang isang folder na tiyak kong isang kontrata iyon. "I'm happy to have you on my team, Fia. Because of you, we will become even more recognized. Here is the con

