December 14, 2022
Nagising si Joem sa lakas ng ringtone ng kayang cellphone. Bumulaga sa kanya nag numero ng kanyang boss. Ang kanyang boss ay Isang detective na may pribadong agency. Si joem ay nagtratrabaho bilang assistant ng kanyang boss.
Bagamat mahiyain si Joem siya naman ay may talentong taglay. dahil siya ay nagtataglay ng photographic memory.
Ang taong may photographic memory ay bibihira. Ang kanilang abilidad ay kayang maalala hanggang sa pinakamaliit na detalye sa mga sitwasyon kanilang nakikita at nararanasan.
Ang agency na kanyang pinapasukan ay nasa Samal City na nasasakop ng Child Province. Ang city na ito ay napapalibutan ng bulubundukin sa kanluran at dagat sa silangan. Meron Light rail train system at sariling Nuclear power plant ang syudad na ito.
Paglabas ng bahay ni Joem. Nagsimula maglakad si Joem patungong kumpanya dahil hindi mahilig sumakay ng tren ay nakasanayan na nyang maglakad o sumakay na lang ng taxi tuwing pumapasok.
Hindi lingid sa kanya magmula ng lumabas sa kanyang tinitirhan ay mga mga lalaking nakaitim na sumusunod sa kanya. Pawang mga propesyunal ang mga ito at hindi titigil hanggang sa magawa nila ang mga utos sa kanila.
Napansin ito ni Joem at nagsimulang maging alisto at tumakbo sa lugar na maraming tao. Habang tumatakbo nakikita nyang papalapit sa kanya humabahol.
Dahil hindi na nya maiwasan ang mga ito. napagpasyahan ni Joem na maghanap ng isang makipot na eskinita at duon tumakbo.
Sa eskinita naabutan sya ng mga humahabol sa kanya. Nagulat ang mga ito ng makita nila na nakahinto lang si Joem at hinihintay silang makaabot sa kanya.
Ngumiti si Joem at nagwika "Ang tagal niyo naman. Anong oras na?" Sabay tumingin ng matalim sa mga lalaking nakaitim.
Mga ilang saglit lang ay nakabalik sa ulira ang mga lalaking nakaitim. Ang kanilang leader ay humakbang ng dalawang beses paharap at sinigaw ang " Hindi mo na kailangan pang tumakbo pa. Babaliin namin ang mga binti at braso mo!" Ngumisi ang ibang kasamahan nito.
Lumapit silang lahat nakaalerto at naglabas ng mga patalim.
Sa eksenang ito ay hindi man lang natinag si Joem at nakatayo lang hinihintay makalapit ang mga kalalakihang nakaitim.