Kabanata 2: Extra Skill ng pagkakaroon ng Photographic Memory

275 Words
Napapalibutan na si Joem ng limang lalaking bumu buntot sa kanya kanina pa. Unang lalaki na hindi katangkaran pero sa grupong ito sya ang pinakamabilis kumilos at sumugod habang may hawak na patalim. Napakabilis nyang kumilos na parang hindi siya normal na tao. Ngunit nang siya ay papalapit na ito bigla nya nakita si Joem na naglabas ng pangit na ngiti. Itinaas ni Joem ang kanyang kanang kamay at sa isang iglap. Agad na nahawakan ni Joem ang kamay nito at pinihit paikot ang pulso papuntang likuran ng sumugod na lalaki at dahil dito nabitawan ang patalim na hawak. Sa isang pagkumpas ay nakarinig ng tunog ang mga ito na parang may nabaling buto. "Ahhhhh!" Umalingaw-ngaw sa masikip na pasilyo ang ungol na ito paulit ulit. Ito ang ungol na maririnig habang ang balikat ng unang lalaki na umatake kay Joem ay nawala sa pwesto nito. Nakahandusay ngayon ang lalaki sumalakay sa kanya at nag iiiyak sa sakit na naramdaman pagkatapos ay nawalan na ng malay. Biglang kinabahan ang leader ng mga kalalakihan. "Hindi ka ba natatakot na pagtulungan ka namin lahat?" Ngumisi na parang wala ng gana si Joem pagkatapos marinig ang mga sinabi ng leader ng mga asassin. Huminga siya ng malalim at Sa isang iglap ang buong grupo ay makikita na lang na nakahandusay sa sahig at mga walang malay. Nagpatuloy sya sa paglakad na parang walang nangyari. Paano nga pala nga nagkaroon ng kakayahang lumaban ng ganito ni Joem. Dahil mahiyain si Joem noong kabataan nya ay panay nasa silid-aklatan lang kanyang pinakapaboritong lugar dahil tahimik dito at wala masyadong nagpupunta. nakahiligan nya magbasa ng mga librong may kinalaman sa pampalakasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD