Kabanata 3: Bukod tangi sa lahat

415 Words
Sa Mababang Paaralan ng Samal City. Si Joem ay mahilig tumambay sa library at magbasa sa mga oras na walang klase noong kabataan nya. Dahil doon ay hindi siya masyado nakikihalubiro sa mga kaedadaran nyang mga bata dahil sa medyo mahiyahin talaga ang batang Joem. Habang naglalakad si Joem papuntang silid aklatan ay may kamay na pumatong sa kanang balikat nya. "Hoy Joem! Tara kain tayo" Lumingon si Joem sa kanyang kanan at nakita ang isang batang lalaki. Ito ay ang kanyang kaklase at kababata na si Carlos. Si Carlos ay anak ng isa sa pinakamayaman sa Samel City na naging kaklase ni Joem mula kindergarten. Naging magkaklase sila hanggang grade 6. Siya ay kasing puti ng puto na medyo chubby at si Joem naman ang kutsinta noong kabataan nila. Habang nakahawak sa balikat si Carlos ay muli nya niyaya si Joem na kumain sa canteen sa mga oras na iyon. "Dederetso ka na naman ba sa library?" tanong Carlos "Oo eh. Bibili lang ako ng makakain sa canteen at kakainin ko habang naglalakad papuntang silid aklatan." tugon ni Joem Biglang binaba ni Carlos ang kamay nya at hinatak si Joem at naglakad. "May ipapakilala ako sayo! Bilisan mo baka mainip yun at umalis" Hatak hatak siya. nakarating ang magkaibigan sa Canteen. Pagpasok nila ay may kumaway ay bumungad ang ilang lamesa at mga upuan. sa isang lamesa ay may dalawang babae na nakauniforme. Ang isa sa kanila ay kumaway para mapansin nila Joem at Carlos. "Bat ang tagal niyo!?" sigaw ng babae habang kumakaway. Ang kanyang pangalan ay Nica. Pinsan siya ni Carlos. Isa rin siya sa kamag-aral ni Joem. "Ito kasing si Joem hinanap ko pa kung saan saan. Nangitim na nga ako oh saka tagaktak ng pawis." reklamo ni Carlos habang papalit sila sa lamesa. O sya. dahil nandito na tayo. Pakilala na natin si joem sa kasama ko. Joem, ito nga pala si Kaera. Bagong lipat lang sila sa village namin at wala pa siyang kakilala dito sa lugar natin. Si Kaera ay isang magandang dalagita may pagkamorena ang kanyang kutis, medyo may katangkaran sya sa kanyang edad dahil sa mahahaba ang kanyang legs. Ang kanyang buhok ay nakalugay at may salamin sa kanyang mata pero bumagay ang kanyang salamin sa magandang hubog ng kanyang muka. Bigla nagliwanag ang Paningin ni Joem. Parang bumagal ang takbo ng oras sa mga sandaling yun. Sa mga oras na ito nagsimulang lumabas ang katangian ni Joem at ikakagulat niya sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD