Kabanata 14: PE Class

484 Words
Nagring na ang bell upang magsimula na ang klase ng PE. Habang lumalakad si Joem papuntang PE Class sa gym ay may isang kamay na kumapit sa kanyang balikat. Nagulat si Joem at bigla nyang hinawakan ang kamay saka hinatak papalapit sa katawan pagkatapos ay inikot ito papunta sa kanyang harap. Ang humawak sa balikat ni Joem kanina ay nakatalikod na sa kanyang harapan habang namimilit sa sakit. Humiyaw ito ng napakalakas Joeemmmm. Araaayy. Ako to si Dana! Bitawan mo ako. Binitawan agad ang kamay at humingi agad ng patawad si Joem. Patawarin mo ako Dana. Hindi ko sinasadya. Sabi ni Joem habang humihingi ng paumanhin Ayos lang. Nabigla lang din ako. It's no big deal pero ang lakas mo ah. Saan mo natutunan yun?" Namamanghang sabi ni Dana pero halata parin na masakit ang kanyang balikat. "Napanuod ko lang sa TV noon." sagot ni Joem Hindi masabi ni Joem ang totoo na natutunan niya ito sa pamamagitan ng Memoric System. Ganun ba? Sige, sa susunod na manunuod ka isama mo ako kailangan ml din yan hahaha Si Dana ay kaibigan pero nasa ibang section siya kasali. Kahit hindi madalas magkita ay maituturing din na matalik na kaibigan si Dana. Siya ay mula sa pamilya ng mga politiko. Bata pa lang ay sinasanay na sya ng kanyang mga magulang upang maging kawani sa gobyerno sa mga susunod na taon. Dahil mahuhuli na si Joem sa susunod na klase ay nagpaalam na rin siya kay Dana. Meron pa sanang gusto sabihin si Dana ngunit itinago na lang muna niya ito at sa ibang pagkakataon na lang nya sasabihin. "Joem, bukas ay sabado. Pumunta ka sa bahay duon ka na magtanghalian!" sigaw ni Dana. Habang tumatakbo narinig ni Joem ang sigaw ni Dana at itinaas ang kamay na nakataas ang hinlalaki. "Pupunta ako! Sarapan mo ang pagkain! pabalik na sigaw ni Joem Sa Gym Marami na ang mga estudyante na naroon. Ang gym ay malawak may mga bench sa gilid nito at may dalawang basketball court na kasya. Sa gitna ay may mga nakalatag na rubber mat at duon magklaklase ang kalse nila Joem. Sa gilid ng mat ay may dalawang grupo na nakatayo. makikita ang isang grupo na nagtatawanan at kinukutya ang kabilang grupo. Tama. Ang dalawang grupong ito ay ang grupo ni Cardo at ang grupo nila Carlos. " Nasaan na ang talunang mong kaibigan Carlos?" Tanong ni Cardo habang pinapatunog ang kanyang mga kamao at iniiikot ikot ang kanyang ulo. " Wala pa! Siguradong may pinapagawa sa kanya si Mrs Morales kaya hindi pa siya nakakarating" Kitang kitang sa mukha ni Carlos ang pagkabalisa sa pag aalala kay Joem "Hindi ko naman aasahan na makapunta sita dahil naduwag pero mas masaya sana kung ipapahiya ko siya sa harap ni Kaera. hahaha!" Bulalas ni Cardo. Sumunod na nagtawanan ang kanilang grupo. Maya maya ay nakarinig sila ng yapak ng sapatos. Papalapit sa dalawang grupo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD