Dahil sa mga nangyari sa Canteen ay hindi na nakatuloy si Joem sa pagpunta sa silid aklatan.
Agad naalala ni Joem na pinatawag nga pala siya ni Mrs. Morales kanina.
Si Mrs. Morales ang librarian ng kanilang paaralan. Maputi na ang kanyang mga buhok at medyo nakayukos, mga nasa edad 60 na. Noong 1990's mas mataas pa ang edad ng pagreretiro ng mga kawani ng paaralan. Siya ay mabait kay Joem dahil nauutus utusan nya ito pagdating sa pag aayos ng mga aklat para mabalik sa mga dating pwesto ang mga ito. Binibigyan nya rin ng access sa mas advanve na category ng libro si Joem kapalit ng mga nagawa nitong tulong sa silid aklatan.
Nagpaalam na muna saglit si Joem sa mga kaibigan at bagong kakilala niya dahil ayaw nya mag alala si Mrs. Morales kung bakit siya nahuli ng dating.
Hindi namalayan ni Joem na mabilis ang kanyang pagtakbo at tila hindi siya hinihingal di tulad noon na kahit maigsi lang at mabagal ang kanyang pagtakbo ay agad siya hinihingal at pinagpapawisan agad. Ngunit iba na ngayon na nagtataglay siya ng katawang mas malakas at mas mabilis ng tatlong beses. Hindi rin siya hinihingal at pinagpapawisan bagkus ay nakakaramdam pa siya ng saya habang tumakbo.
Sa wakas
Narating na ni Joem ang gusali kung nasaan ang silid-aklatan.
Pagpasok ng pinto ay may narinig siya na tumawag sa kanya. Ang tinig na narinig nya ay may kataandaan na medyo namamaos pero hindi bakas ang pagmamataas na tono.
"Joem, buti at nakarating ka na. Umupo ka muna at magpahinga." sambit ni Mrs Morales
"Pasensya na po Mrs Morales at ngayon lang ako nakarating. Meron lang po akong inasikaso kanina." tugon ni joem na pinagdikit ang mga palad para humingi ng tawad.
"O sya sya mabuti naman. Pinatawag kita dito dahil meron ako ipapagawa sa iyo kung maari."
"Sige po, kung makakaya ko po gagawin ko." smagot si Joem habang siya ay nagtataka kung ano ang ipapagawa sa kanya.
Habang nakaupo ay mayroon kinuhang bugkos ng papel si Mrs Morales mula sa kanyang desk drawer at iniabot ito kay Joem.
"Joem, dahil ikaw ay mas madalas ka sa silid aklatan ay mataas ang tingin ko sa inyo na makakaya mo ang ipapagawa ko sa iyo. Ang nasa papel na yan ay listahan ng mga aklat na nawala sa pwesto. Maari ba akong humingi ng tulong sa iyo na maiayos sa mga pwesto ang mga aklat na ito? pati na rin yung mga libro na hindi nakaayos at nakalagay sa shelves."
Nabigla si Joem sa bumungad sa kanya na listahan ng mga libro pero hindi nya ito pinakita sa kausap nya. Dahil naging mabait naman sa kanya si Mrs Morales ay agad siyang tumango at tinaggap ang gawaing iniatang sa kanya.
Bago pa magsalita si Joem ay biglang...
Riiiiinnnggggg