Kabanata 12: Nagbago ang Pangangatawan

435 Words
Habang pinagmamasdan ni Nica si Joem at Carlos nang biglang Aaaahhhh!!!! Napatili si Nica, nakaturi ang kanyang kanang hintuturo kay Joem at nakatakip naman ang kaliwang kamay sa kanyang bibig. Lumapit siya para bulungan si Joem Joem, Anong nangyari sayo? Mahinang bulong ni Nica. May ideya na si Joem kung anong tinutikoy ni ng babae sa kanya kaya nagmaang maangan na lang siya na walang alam at nalilito din. Tumayo silang lahat habang nakalapit pa rin si Nica kay Joem. Pinagmamasdan pa lalo niya ang lalaki pagkatapos ay tinutusok tusok pa nito ang braso at balikat ni Joem. Hmmm. Joem sigurado ako wala ang mga yan dati. Sa pagkakakaalala ko may taba ka sa mga parteng to. Bakit parang ang tigas na nito ngayon. Sumagot si Joem. "Guni-guni mo lang siguro yun. Matagal na akong nag-iigib ng tubig at nagchochop ng panggatong." "Hindi talaga, naalala ko dahil lagi akong nakayakap sa braso mo noon pa. Tumigas talaga ang mga ito. Saka parang tumangkad ka ng unti. Kanina magkakapantay lang tayo palabas ng canteen." Hirit ni Nica na ayaw magpatalo. Lingid sa dalawang ito. Mayroon pang dalawang tao na kanina pa rin nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Lumapit ang lalaki sa kanila. at sumabat ng "Hoy kayong dalawa anong sinasabi mong panay nakayakap? Pinsan mo ako Nica bat hindi ko alam yun?" Sambit ni Carlos habang parang nagseselos na hindi nya alam ang mga nangyayari kahit madalas silang magkakasama. "Wala yun pinsan. Hindi mo talaga malalaman kasi minsa. niyaya ko lang lumabas si Joem dahil ayokong may ibang lalaki na bigla bigla na lang lalapit at magpapakilala. Kaya ayun madalas nagkukunwari kaming magkasintahan hahaha" Tumawa si Nica habang nakapwesto siya na babaeng humingi hingi ng paumanhin habang nagpapacute. "O sya sya. Ok lang yun si Joem naman ang kasama. Tiwala naman ako na wala siyang gagawin masama sa iyo" Sabay tapik sa balikat ni Joem pagkatapos ay pinisil ito "Totoo nga ang sinabi ni Nica. nagkamuscle ka nga talaga at mas mataas na ng kaunti kaysa sa akin. mausisa na rin si Carlos Lumapit sa kanilang tatlo si Kaera naguguluhan. Dahil unang beses pa lang nya nakita si Joem ay hindi nya alam kung ano ang pinag uuspan ng tatlo. Nakikita nya ang tatlo. Gitna si Joem na hindi makapagsalita. sa kaliwa ay nakayakap sa braso ni Joem si Nica habang nakaunan ang ulo nito sa balikat ni Joem at sa kanan naman si Carlos na habang tinatapik ang katawan ni Joem habang humahanga sa nakikita. Mukang nakalimutan na ng talong ito ang nangyari kanina at kung anong pwede mangyari sa susunod na klase sa gym.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD