Nag isip ng mabuti si Joem. Maingat nyang pinili kung anong kasanayan ang gusto niyang matutunan ay mabisa sa oras na ito.
Napataas ang kanyang kamay na nakaturi ang daliri pataas ay sinabi ang kanyang napili.
Meron akong nabasa noong nagtatambay ako sa library. Ito ay tungkol sa Martial Art na nalinang ng mga ninuno niya. Ang Arnis, Eskrima at Kali. Napapaloob ito sa nabasang nyang libro na may pamagat na "Ang Kasanayan ng mga Tintados" o Pintados
Sa pagkakaalala ni Joem sa uri ng martial arts na ito ay maari siyang gumamit ng patpat o kahit anong mahawan nya para maging sandata tulad ng binilit na dyaryo, panyo, ballpen, espada, kahit sanga ng halaman ay pwede. Ginagamit lang ang kasanayan na walang hawak na sandata kung bihasa na talaga ito o wala ng pagpipilian at naitapon na ang sandatang hawak.
"Ito ang Napili ko. gamit ang kasanayang ito magagamit ko ito para ipagtanggol ang akin sarili at mga taong malalapit sa akin." Mahinahon sinabi ni Joem
"Isasaproseso na po ba Master ang paglagay ng puntos?" Tanong ni Manual
Pinindot ni Joem ang berdeng bilog sa panel na nasa harapan niya may may numero na lumabas sa ibabaw nito at paakyat ang bilang mula 0% na naging 10% na. Nakasulat sa ilalim ng numero na paakyat ang bilang
Unti unti naramdaman ni Joem ang Bugso ng impormasyon na pumapasok ng mabilis sa kanyang utak
Napahiyaw siya habang nakahawak ang dalawang kamay nya sa kanyang ulo. Para siyang namimilip sa sakit. paminsan minsan ay inihahataw nya ang kamay kamao sa sahig.
Nawala ang sakit ng ulo niya nang ang numero ay umakyat sa 50% ngunit pag tungtong sa 51% ay nakaramdam naman sya na parang umiinit ang buo nyan katawan at kalaunan ay sumakiy ang kanyang kalamnan at mga buto buto. nagpagulong gulong na na siya sa pagkakataong ito dahil sa sobrang kirot na nararamdam.
isang tunog uli ang narinig na sinundan ng salita
"Ding!!! Natapos na ang proseso ng pagpapaunlad ng katawan at kaisipan.
lumabas sa skill panel. maliwanag na ang nakasulat na Lv.1 Muscle Memory. sa ilalim nito ay nakasulat ang FMA Complete. Ang FMA ay pinaigsing Filipino Martial Arts kung saan nakapaloob ang Arnis de Mani, Eskrima, at Kali.
Bumangon siya at nanibago dahil gumaan ang pakiramdam niya. Sinubukan din tumalon ni Joem at nakitang mas mataas ng 3 beses ang talon niya. Nagbago din ang katawan nya na medyo may namuong muscle. Para sa edad niya ay mangilan ngilan lang ang meronbg develop na mga muscle.
"Dahil kailangan ng sumabay ng katawan sa iyong bagong kasanayan kaya nagbago din ang inyong katawan master."
Natulala ng konting sandali si Joem. Hindi siya makapaniwala. Kung hindi lang nya naranasan ang sakit kanina ay aakalain lang nya na panaginip ang lahat ng nangyari.
Pamatong sa balikat ni Joem si Manual at pinaalalahan ang kanyang Master. "Master, dahil sa iyong pag unlad ang iyong pisikal na abilidad ay lumago din ng tatlong beses. Maaring mag-ingat po kayo upang maiwasan ang pagpasok sa gulo sa mga darating na panahon."
"Sige, tama ka ayoko talaga mapasok sa gulo at mawala ang akin tahimik na pamumuhay" medyo nahihiyang sabi ni Joem
Salamat pala sa paalala Manual. Aalis na muna ako kailangan ko pa harapin ang mangyayari mamaya.
Paalama Master. tugon ni Manual at pinidot na uli ni Joem ang Exit.
Bumalik ang takbo ng oras. Nakahandusay parin sa sahig sina Carlos at Joem.
Ahhhh!!!
Napatili si Nica