Kabanata 10: Passive Skills

448 Words
Nagulat si Joem sa kanyang natuklasan. Napaisip siya sa kanyang sarili. Kailangan ko makita anong mga passive skill na pwede kong magamit ngayon para makatakas sa gulong napasok ko. Lumingon si Joem kay Manual at tinanong kung meron bang skill na pwede nya magamit para matuto magdefensa sa sarili. Nakaharap si Manual sa kanya at biglang naging blangko ang monitor na mukha nito habang nakalutang parin sa ere. Maya maya biglang may tunog na narinig at bumalik ang muka sa monitor na ulo ni Manual. Pak! Napatumba sa pwesto si Joem sa gulat. "Aray! Ano ang nangyari sa Manual bigla ka na lang tumigil?" yamot na tanong ni Joem "Humihingi ako ng paumanhin Master. Ang Memoric System ay dumedepende sa pag unkad ng nagmamay- ari nito." Habang nakatingin kay joem "Sa makatuwid dahil sa nagsisimula pa lang kayo ay mababa pa ang level na inyong kakayahan kaya naapektuhan din nito ang bilis ng proseso. ngunit wag po kayo mabahala Master dahil kasabay ng pag unlad ninyo ay uunlad din ang sistema na ito. "ahhh. ganun pala. Buti at sinabi mo sa akin. kinabahan talaga ako kanina nung tumigil ka bigla." nawala ang kabang naramdaman kanina. "Master, ito po ang resulta sa inyong katanungan kanina. Meron isang skill na pwede niyong paunlarin. Ang Passive skill na Muscle Memory. Kailangan niyo lang gamitin ang 50 puntos upang mabuksan ang skill na ito. Habang tumataas ang level ng isang skill ay pataas ng pataas ang puntos na kailangan gamitin." tugon ni Manual kay Joem. Tumingin ito sa Joem habang nagkakamot ng ilong na tila nainio sa haba ng paliwanag. Pinagpatuloy uli ni Manual ang pagpapaliwanag sa Passive skill na ito. "Ang passive skill na muscle memory ay tumutukoy sa pagpapaunlad ng pangangatawan ng may-ari. Kailangan magkaroon kayo ng kaalaman na may koneksyon sa pagpapalakas ng katawan maging opensa man ito o depensa sa sarili. kung may gusto kayong matutunan ay kakailangin uli na gumamit ng puntos para matutunan ito. Halimbawa, gusto niyo master na matutunong magbasketball. kakailangin niyo lang magbasa, manuod, o maranasan makipaglaro sa magagaling na manlalaro ng basketball para matuto kayo nito. Kokunsumo lang ito ng 10 puntos" pahabol na paliwanag nito. Maging maingat sa pagpipi ng gustong matutuhan dahil limitado sa isa ang nakalaan bawat level ng passive skill ang pwede matutunan. Sa makatuwid dahil level 1 lang ang iyong muscle memory ay isang style lang ang pwede niyo mabihasa ngayon." Sunod sunod ang pagkagulat ni Joem. sa dami ng impormasyon na nabunyag sa harap niya. Nag isip siyang mabuti. Inalala nya lahat ng nabasa niya sa library ng paaralan Biglang nagliwanag ang isip ni Joem ay sabay sigaw na "Alam Ko na ang pipiliin ko kasanayan ay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD