"Tatanggapin ko ang iyong hamon kung maipapangako mo na hindi mo na kami guguluhin kapag tinalo kita!" ito ang kundisyon ni Joem para tanggapin niya ang hamon ni Cardo.
May matalim na ngiti si Cardo pagkatapos na marinig ang mga sinabi ni Joem
"Magaling! Magaling! tinatanggap ko ang kundisyon mo pero duda ako na kayang manalo sa akin at pabagsakin ako gamit ang kakayahan mo makipaglaban." bulalas ni Cardo pagkatapos ay tumalikod na siya kasama ng grupo niya habang nagtatawanan ng malakas.
Naiwan na walang imik ang grupo ni Joem. Mga ilang sandali pa ay bumalik sila sa katinuan at nakahandusay sina Carlos at Joem sa Sahig.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Nica habang nakatitig siya na may pag-aalala kay Joem.
"Wala akong ideya" hiyaw ni Joem na parang mababaliw na siya na nangyari.
Inisip niya na paano nya nagawang pukawin ang grupo ng mga binatang mahilig gumawa ng gulo pero sa huli ay nakakalusot parin dahil sa kuneksyon ng kanilang pamilya.
"Ganito ba talaga ang mundo, kung wala kang pera at kapangyarihan ay tatapak tapakan lang ng iba na meron nito." ito ang mga namuong ideya ni Joem habang nakatikom ang kanyang mga kamao.
Sa mga oras na ito hindi inaasahan ni Joem na biglang babagal uli ang oras at naactivate ang Memoric System.
"Welcome back" ang boses ni Manual ang kanyang narinig.
"Paano?" nalito si Joem
"Meron akong nakalimutan gawin at ipaliwanag sa iyo kaya ginamit ko ang emergency protocol para maactivate ng kusa ang Memoric System." Sagot ng Manual
"Nakalimutan kong iproseso ang pagtala ng pagmamay- ari ng Memoric System sa iyo.
May bagong panel na lumabas sa harap ni Joem. Iba ang itsura ng panel na ito. nakalagay lang sa gitna nito ang hugis ng kanan at kaliwang kamay.
Habang tinitignan ni Joem ang panel at sinanbit ng Manual na
"Upang marehistro ang iyong data sa Memoric System ay kailangan lang na iiscan ang iyong mga palad sa panel."
pagkatapos marinig ang instruction. nagdalawanh isip pa rin si Joem bago niya iniangat ang kanyang mga palad at ipinuwesto sa ibabaw ng panel.
Nakarinig siya ng tunog na parang dial up tone ng modem. pagkatapos ng tunog ay ang biglang lumiwanag ang panel. nakakasilaw ito sa simula kaya tinakpan ni Joem ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay.
Unti unting nawala ang liwanag at may nabuo pigura sa gitna nito. Tumambad ang isang bagay. ang itsura nito ay may ulo ng monitor ng computer na may maliit na katawan na nakabihis na parang butler. Ang ulo na mukang monitor na may kulay green na screen ay may mukha na may mata at bibig. Mas magalang na itong magsalita kaysa noong una itong narinig ni Joem.
"Process complete. Ikaw na po ang Master ng Memoric System. Ako po si Manual ang inyong lingkod na gagabay sa inyo para magamit ng husto ang sistemang ito." Sagot ni Manual na may paggalang. Para siyang tunay na butler na naglilingkod sa kanyang amo.
"Master Joem, dahil nakarehistro na sa inyo Ang Memoric System ay nagkaroon kayo ng ilang puntos na pwedeng gamitin sa pagpapaunlad ng inyong passive skills."
Sa Kabuuan ay meron kayong 100 puntos na magagamit.
"Talaga?!" Laking gulat ni Joem sa nangyari