Nakaalis na sa loob ng canteen ang grupo ni Joem.
"Teka lang! Sandali! Bakit ka nagmamadali?" Sigaw ni Cardo kina Joem habang nakatingin ng masama.
Ano na naman ba? Tanong ni Joem
Lumapit ang grupo nila Cardo habang nakaamba ang kanilang mga kamao.
Ngumingisi ang mga ito na tila may gusto silang bugbugin sa mga oras na ito.
"Joem, May nakakalimutan ka yata? Hindi pa kami tapos mag-usap ni Kaera kaya bakit mo naman siya isasama palayo." sabi ni Cardo habang pinapaikot ang ulo at hinampas ng kanang kamao nya ang bukas palad na kaliwang kamay nito.
"Hindi naman sa ganun. Kailangan na namin pumunta ng silid aralan" sambit ni Carlos habang humahakbang sa para itago ang kanyang pinsan sa kanyang likuran.
Si Kaera naman ay nagpunta sa likuran ni Joem bagamat unang beses pa lang nilang nagkakilala ay magaan na ang loob nito sa kanya sa di malamang kadahilanan.
Dahil dito medyo lumakas ang loob ni Joem at humakbang na rin paharap para protektahan ang babae sa likuran niya.
"Hindi ako papayag na bigyan mo ng masaman impresyon ang bago kong kaibigan. Dadaan ka muna sa akin bago mo siya mahawakan" tugon ni Joem na
Halata sa mga boses nila na hindi marunong makipag away ang magkaibigan na sina Joem at Carlo. Kaya paano nila maipagtatanggol ang dalawang babaeng kasama nila.
Mayamaya may narinig silang mga lalaking nagtatawanan
"Hahahahaha! Sigurado na ba kayo sa gusto niyong gawin? Bakit hindi mo patunayan na kaya niyo ipagtanggol ang magagandang binibini" Tawa ni Cardo
"Mayaman ka lang Carlos at hindi mo magagawang makipag away ng deretso sa grupo namin." Sagot ng isa sa kasama ni Cardo. Siya si Charlie ang matangkad na mapayat na sidekick ni Cardo. Isa siyang anak mayaman na mayabang. Gamit ang impluwensya ng mga magulang kaya siya nakapasok sa paaralang pinapasukan ni Joem.
Hindi nakaimik si Carlos dahil alam niya na kahit pareho silang mayaman ni Charlie ay hindi naman siya marunong makipag away.
Dahil sa narinig ni Joem ang mga salitang ito ay hindi na niya inisip ang kanyang nararamdaman. Nanginginig siyang naglakad at sinampal si Charlie ng malakas. Natumba si Charlie sa kanyang kinatatayuan at ng lumingon hawak ang namumulang kanang pisngi ay sumabog ito sa galit.
Hayop ka! Joem kelan ka pa naglakas loob na suwayin kami. Hindi ka nga makalaban noon tapoa nagayon may balls ka na para saktan kami. sigaw ni Charlie.
Akmang susugod si Charlie nang pinigalan siya ni Cardo.
"Interesante ito
"Joem hinahamon kita sa isang pagtutungali sa palakasan. Maglaban tayo sa loob ng ring kung mananalo ka papakwalan ko kayo sa ngayon pero kung matatalo ka. Luluhod ka at hahalikan ang aming mga sapatos habang humihingi ng tawad!" mungkali ni Cardo na may maladyablong ngisi sa kanyang bibig.
"Joem hindi ka mananalo sa kanya. Wag mo tanggapin ang hamon" pagsusumamo ni Carlos
Kahit anong sabihin ni Carlos at mga kasama niya ay mukang desidido na si Joem na tanggapin ang hamon sa kanya.
"Tatangapin ko ang hamon mo kung papayag ka sa kundisyon ko" sabi ni Joem