Habang kumakain ang magkakaibigan. May isang bolang tumalbog sa kanilang lamesa.
Ang nangungunang lalaki ay nagsalita
"Nandito ka lang pala Joem! Kanina ka pa namin hinahanap!" Sabi ni Cardo.
Si Cardo ay nangungunang lalaki sa grupo na dumating. Panay may hawak na bola ngunit kahit kailan ay hindi siya naglaro ng basketball. Isa rin siyang miyembro Avarage Income Family pero sobrang taas ng tingin sa sarili dahil siya ay nag-aral ng taekwondo. At dahil duon ay inakala nya na mataas siya at kinatatakutan ng mga mag-aaral sa paraalan nila.
Habang pinagsasabihan si Joem. Napatingin si Cardo sa paligid ng lamesa at nakita ang magandang dilag na ngayon lang nya nakita.
Lumapit siya ay ngumisi habang sinasabi "Hello ganda! Bago ka lang ba dito? Bakit mo kasama ang mga talunang ito?"
Hindi kumibo si Kaera sa sinabi ni Cardo. Inisip nya na napakapresko ng lalakig ito lalo na sa taong unang beses pa lang nya nakita.
Isang mapait na ngiti ang lumabas sa labi ni Cardo. Matalim ang tingin sa napahiya siya sa unang pagkakataon. Nagngingitngit ang kanyang mga ngipin
Lumapit pa ng husto si Cardo kay Kaera at akmang hahablutin ang kamay nito ng sapilitan. Ngunit isang kamay ang pumigil sa kanya.
Ito ay ang kamay ni Joem. Hinawi niya ang kamay ni Cardo at humarang sa kanyang harapan.
"Siya nga pala si Kaera bagong kamag-aral" Hindi na pinansin ni Kaera ang sinabi at tumayo tumabi kay Nica dahil ayaw medyo hindi siya Kompurtable kay Cardo.
Binago ni Joem biglaan ang paksa.
"Ano nga pala ang sinadya mo at hinahanap ako? binago ni Joem ang kalagayan ng pangyayari at sumenyas kay Carlo na humanda para umiwas sila at lumayo kapag nailigaw na ni Joem ang pansin ng grupo ni Cardo.
Naalala na ng tuluyan ni Cardo ang pakay nya at sinabing "Joem! Pinatatawag ka pala ni Mrs. Morales!"
"Ah sige. Alis na kami." sabay sensya sa mga kasama na