Papaano nga pala ako makakaipon ng puntos? tinanong ni Joem ang Manual habang nagkakamot ng ulo.
Sumagot ang boses ng Manual. Ang unang paraan ay ang pagkunsumo ng mahahalagay sangkap na pampalakas at pampahaba ng buhay. Halimbawa dito ang Ganodera at Ginseng. Meron din mga herbal plant pero maliit lang ang nadadagdag nito.
Pangalawa ay ang pagpapatupad ng Hustisya. Base sa desisyon na at mfa gawang gagawin ay duon dedepende kung ilang puntos ang makukuha mo.
Pangatlo ang pagsupil sa mga Halimaw. bagamat malaki ang puntos na dinaragdag nito, sa panahong ito ay bihira na ang mga demonized na hayop ay mahihirapan ka makaipon ng puntos sa ganitong paraan.
Kapag sapat na ang puntos ay pwede ka ng mamili ng Passive skill na gugustuhin mong matutunan.
Kung ikaw naman ay maglelevel up. mamaari ka ring mamili ng isang extra skill na magagamit mo sa lakbayin patungo sa immortalidad.
Napatigil bigla si Joem sa huling sinabi ng Manual.
Immortal?
Kahit kailan di ko naisip na maging immortal pero saka ko na lang alalahanin ito. bata pa naman ako.
Maedyo matagal na napaisip si Joem. sa pagbuka ng kanyang mbibig bigla nya natanong ang
"Manual, paano nga pala ako napunta dito sa nakatigip na oras?"
Sumagot uli ng magalang ang Manual
"Tayo ay nasa special dimension ng Memoric System at hindi talaga tumigil ang oras. Ikaw ngayon ay nasa estado ng accelerated thinking. kung saan sobrang bilis mo lang mag isip na hindi kayang habulin ng oras. Kailangan niyo lang magfocus para maactivate ang Memoric System kung gusto niyo naman umalis sa estadong pindutin niyo lang exit button sa upper left corner ng main panel"
Meron pa po ba kayong itatanong?
"Wala na muna sa ngayon Manual. Sasangguni ako kaagad sa iyo pag kailangan"
Pagkatapos sabihinang ito ay nagpaalam na si Joem at pinindot bigla ang exit button.
Bumalik ang lahat sa dati.
Nasa canteen na uli si Joem kasama ang mga kaibigan at bagong kakilala.
Habang kumakain sila. hindi talaga mapigilan ni Joem na pagmasdan si Kaera.
Hindi alam ng magkakaibigan na may pangkat ng mag-aaral na papalapit sa kanila at bigla
Bog!!!
Isang bola ang tumalbog sa ibabaw ng kanilang lamesa.