Kabanata 5: Ang Memoric System

432 Words
Sa pangalawang pagkakataon ay naranasan muli ni Joem ang pagtigil ng oras. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila may boses na syang narining. Memoric System Activated! Ang boses ay parang boses na robot na babae. Magalang ito sa pandinig. Sino ka? Tanong ni Joem Sumagot ang boses. Nilikha ako bilang Guide Assistance Protocol para sa taong nagmamay ari ng Memoric System. Maari niyo po akong tawagin na Manual Ng Memoric System o MMS. Pagkatapos marinig ang boses ng Manual ng Memoric System ay napatingi. si Joem sa panel sa kanyang harapan. habang kinakamot ang pagitan ng kanyang mga kilay. "Sa makatuwid hindi ako patay at ako ang nag mamay-ari ngayon ng Memoric System? Pano ito napunta sa akin?" Tanong ni Joem Sumagot ang boses ng Manual. Maari po bang isa isa lang ang itatanong. Hindi po ako nilikha para sumagot ng sabay sabay sa mga tanong dahil ang system ay dumedepende sa level na taglay ng nagmamay-ari nito. Tumingin uli si Joem sa panel at nakita nya na meron Level 1 na nakasulat dun. Sige sige. pasensya na Manual. Ito na lang muna ang itatanong ko. Ano ba ang Memoric System na sinasabi mo kanina pa? Sumagot ang Manual ng Magalang. Ang Memoric System ay isang sistemang pagpapaunlad na naimbento ng isang immortal master ilang daan libong taon na ang nakalipas bago siya umakyat sa mas mataas na antas ng realm. Sa katunayan ay ikaw ang kaunaunahang nakagamiy ng system na ito magmula ng iwan ito ng immortal master. Sa makatuwid kayo po ang una kong master. Kung paano ito napunta sa inyo ay hindi ko po masasagot dahil restricted pa ito sa level niyo sa ngayon. "I see. kung sistema na ito ay para sa pagpapaunlad. Anu-ano ang mga pwede kong gawin sa Memoric System?" sunod na tinanong ni Joem. Sa inyong level ngayon ay maari kayong mastore ng image na may 50 meters radius mula sa kinatatayuan niyo at lahat ng detalye ay maari niyong balikan kung kakailangin. Habang tumataas ang level ay lalawak ang radius na sakop ng imahe at magkakaroon kayo ng points para maitalaga sa mga passive skills ninyo. Sabihin niyo lang ang salitang Skill Panel at lalabas ang panibagong panel sa kaliwang bahagi ng main panel. Sa panel na ito makikita niyo kung ilan puntos na ang naipon at ang mga available na skills na pwedeng lagyan ng puntos para mapaunlad. paliwang ni Manual "Sa makatuwid ay magiging mas mahusay ang ang aking mga kakayahan kung makakaipon akong ng mga punto." ani ni Joem "Opo" sagot ni Manual Sunod na tanong. Pano ako makakaipon ng Puntos?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD