Chapter 7 Agad umalis ng bahay si Rielle at agad dumiretso sa opisina ng asawa niya. Ibibigay niya ang phone ni Aarron na naiwan sakanilang bahay. "Mam Rielle, ano pong kailangan niyo?" tanong ng sekretarya ni Aarron saknya Mabuti nalang ay nakilala siya agad ng sekretarya nang kaniyang asawa kundi mahihirapan siya makapasok "Si Aarron, nandiyan ba siya?" tanong nya, tumango naman ng sekretarya "Oho. Pero po, may bisita si Sir” kumunot ang noo ni Rielle sinabi ng sekretarya saknya, humigpit ang pagkahawak niya sa handbag niya. Lalo na may iniisip siya ngayon na sana hindi totoo "S-Sinong bisita?" nauutal na tanong ni Rielle "Si Va---" hindi na pinatapos ni Rielle ang sinabi ng sekretarya, dahil simula pa lang alam na niya kung sino talaga. Gusto lang niya makasigurado. Dahan-da

