bc

Behind Her Face

book_age16+
744
FOLLOW
1.4K
READ
friends to lovers
arranged marriage
badgirl
drama
bxg
city
office/work place
cheating
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo o hindi. Maybe I like you, but that's not enough trusting you, Rielle. You're too mysterious. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinapakita mo.

What's the truth behind your face?

-

Akala ko magiging okay ang lahat kapag makukuha kita ulit. Akala ko magiging masaya tayo kapag nagkasama tayo ulit. Akala lang pala. Tadhana 'nga naman, pinaglaruan nanaman tayo. Panandaliang saya lang pala ang ibibigay ng tadhana sa'tin.

Let me show you what's behind my face at the right time, Aarron.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Rielle’s   Kumunot ang noo ko nang mapansin na nakalock ang doorknob ng kwarto ni Aarron. Ano na naman ba ang problema niya? Is he having tantrums again? Damn   Malakas akong kumatok dahil hindi manlang niya ako pinapansin. It’s already lunch time at nagpaluto ako sa mga katulong ng lunch namin. Gusto kong may kasama ako habang kumakain kaya niyaya ko siya ngayon.   “Anong problema, Aarron?” I asked him, but no one answered. I heaved out a sigh   “Open this damn door and let’s talk” pero wala pa ring sumasagot     “Aarron isa…” kakatok ulit sana ako pero bumukas na ang pinto, thanks God at pinansin na niya ako.   Tinaasan ko siya na ng kilay at nagcross ng braso, “napapano ka?”   Sa mukha niya ngayon mukhang ang sama ng loob niya sa mundo. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura niya.   Hindi nabago sa’kin ang reaksyon niyang ganito dahil simula nang magsama kami sa iisang bahay dahil sa magulang namin ay walang beses sa isang lingo na ganito siya.   Sino ba naman ang hindi masasanay diba?   “Pwede bang wag ka munang makulit?” Ramdam ko ang lamig sa tono ng boses ni Aarron   “Pwede mo bang sabihin sa’kin ang problema mo? Linggo linggo ganyan ugali mo. May mens kaba?”   Diretso ko siyang tinitigan sa mata at walang emosyon ‘yon. Masama ba loob niya sa’kin? Dahil ba sa sitwasyon namin ngayon? o dahil pumunta si Star dito noong isang araw. I can’t help but to overthink. Akala ba niya ginusto ko din ‘to? Well, I half like it because of several reasons. Sa susunod ko nalang ibubunyag ang lahat, hindi pa ito ang tamang oras para magflashback.   “Huwag mo muna ako kulitin ngayon, Rielle. I have no time to joke around”   “Luh? Bakit kasi hindi mo sabihin sa’kin instead na kinikimkim mo diyan”   He stared at me with his blank face, kalian ko kaya makikita ulit ang masayang mukha ni Aarron? I hope I’m never too late to see his smile again.   “Sino ka ba para sabihin ko ang problema ko? We’re just strangers whom started in this kind of track” malamig na aniya   Parang nang hihina ako sa naging sagot niya. I felt the pain stabbing through my heart right now. You really know how to hurt me, Aarron.   Hindi ako nakasagot sakaniya at tinitigan lang siya. Mabuti nalang ay hindi ako mahilig umiyak ngayon kundi yari ako.   “Now you got my answer, get lost Rielle” at doon niya binagsak ang pinto sa mukha ko. Napapikit nalang ako at napayukom ng kamao.   Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko, stay calm Rielle. He’s just having a problem at wala ako sa posisyon para malaman ‘yon.   Hinawakan ko ang parte ng puso ko, “ang sakit mo talaga manakit, Aarron…” I muttered while closing my eyes.   LUNCH TIME, Pumunta na ko ng dining table para kumain, hindi ko mapigilan malungkot. Tinignan ko ang mga paglain na nasa mesa, f**k, I feel so lonely right now.   “Ana, Helga…” tawag ko sa maid na malapot sa’kin ngayon, agad naman silang lumspit   “Samahan niyo ko kumain”   Nagulat naman sils, “po?” They both asked   “Hindi ako masasamahan nang gagong ‘yon kumain kaya kayo ang sasama sa’kin ngayon”   “P-pero po—”   “Wala akong pakialam kung bawal. An order is an order, okay?” Mahina naman silang tumango at agad na umupo. Mukhang nahihiya pa silang kumain   “Simula ngayon wag na kayo mahiya sa’kin. Hindi naman ako nangangain na tao” ani ko   “Sige po ma’am”   “And refrain from being formal towards me. You can call me by my name, okay?”   Napakamot naman ng ulo si Ana, “pero sinabihan po kami ng magulang nyo—”   “Ako ang amo niyo dito kaya sa’kin kayo makinig” tumango nalang sila, napangiti naman ako   “Let’s eat”   Nqgsimula na kami kumain, “bakitb nga po pala kayo hindi nagsabay ni sir?” Tanong ni Helga, agad naman siyang siniko ni Ana.   “Napakachismosa mo naman, Helga” Ana told her   “Nagtataka lang ako gaga” Helga answered   Natawa naman ako, ang cute nilang dalawa tignan. “Magpinsan ba kayo?” Sabay silang tumingin sa’kin   “Second cousin po” Nahihiyang sagot naman ni Ana   “Masama siguro yung gising ni Aarron kaya ayaw nya paistorbo ngayon peto bababa din ‘yon.” At sumubo ako ng ulam at kanin   “Ayos lang po ba kayo?” Mapait akong ngumiti sakanilang dalawa   “Syempre naman liit na bagay atska ba’t ako hindi magiging okay diba?” At pilit akong tumawa Napakamot ng batok si Ana, “halata po kasi sa mukha niyo na nasasaktan po kayo ngayon” hindi ko pinakita na nagulat ako Damn, hindi ko napigilan itago ang emosyon ko.   UMAKYAT na ko sa kwarto at agad kong tinawagan si Lyka, baka kahit papaano mapagaan niya loob ko.   “Napatawag ka? May problema ba?” She answered   Bumuntong hininga ako bago sumagot   “Si Aarron kasi...” mahinang sabi ko   “Oh? What happened to him? Nag-away ba kayo?”   “Hindi ko alam...”   “what? You don’t know? Ang gulo mo naman Rielle. Bakit hindi mo alam kung kayo nag-aaway o hindi?”   “ewan ko Lyka. Si Star kasi, bigla akong dinalaw dito sa mismong bahay namin.”   [“what?! your f*****g ex?! Nagpakita na pala ang gagong yun sayo?”]   “yes. Noong isang araw pa...”   I heard her sigh, “ilang araw lang akong nawala diyan bigla bigla na lang kayo nagkakaproblema... o’sya, ibaba ko na ‘to. Nagtatraining pa ako! Bye! Tawagan kita pag hindi na ko busy”   “pe—-“ bigla nlang niya binaba yung call =__=+ akala ko pa naman may makakausap ako ng maayos ‘yon pala busy din siya.   Binagsak ko ang katawan ko sa higaan at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kay Aarron. Sana bukas okay na siya. Hindi pupwedeng lagi siyang ganito. Daig pa niya yung babaeng nakamens.   Pumikit ako nang maaalala ko ang sinabi ni Aarron kanina.   “f**k, sino ba naman talaga ako para mangialam sakaniya?” I muttered   Hindi ko mapigilan matawa, “para ka talagang tanga, Rielle…” I whispered   Hindi ko dapat siyang pinakikialam sa buhay niya. I am just his fiancée at hindi pa niya ako mahal.   God, sana hindi na ko pumayag sa magulang ko kung ganito din naman mangyayari.     DINNER TIME, at hindi pa rin bumababa si Aarron.   “Pwede mo bang tawagin si Aarron, Helga?”   Napakamot siya ng ulo, “eh kasi ma’am umalis po si sir kaninang alas singko” tinaasan ko siya ng kilay   “What do you mean? Bakit hindi ko ‘to alam”   “Ayaw po kasi ipaalam ni sir sainyo ang pag alis niya. Gamit po niya ngayon yung mustang niya”   Nagtiim bagang ako, ganon ba niya ako hindi kagusto na kahit pag alis niya ayaw nya pasabi? Gusto talaga niya na dinaan siya sa santong paspasan ‘no.   “Narinig nyo ba kung san siya pupunta?”   “Pupunta daw po siyang eastwood. Mukhang may karera po siya” sabi naman ni Ana Napayukom ang kamay ko, hindi ba niya alam na posibleng malagot kami sa mga magulang namin lalo na siya? Tangina, nasaan nanaman ba ang utak mo Aarron? May ubo ka nanaman sa utak ngayon, putangina.   Pinunasan ko agad ang bibig ko at tumayo, ”susundan niyo po si sir?” Tumango ako   “Kapag tumawag sila tito or di kaya sila mom, sabihin niyo nagdate lang kami ni Aarron”   Tumango naman sila, goods.   Hindi ko alam ang gagawin ko sa’yo Aarron pag nakita kita. Lintik lang ang walang ganti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.8K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.3K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook