SARAH KABUWANAN ko na ngayon kaya naghahanda na ako sa panganganak ko. Sobrang laki na ng tiyan ko. Pakiramdam ko dala ko ang daigdig dahil sa bigat ng mga anak ko. Sabi ng matatanda dito sa lugar nila Javier masyadong manas daw ako dahil sa kakakain ko ng matamis at pag-inom ng malamig. Nakakamanas daw ang mga ganoong pagkain. Hindi ko naman kasi mapigilang kumain ng matatamis dahil iyon ang gusto kong kainin. Ang mga pagkaing kailangan kong kainin ay nasusuka ako kapag kinakain ko ang mga iyon. Dito na nag-stay si Javier magmula ng sabihin kong pinapayagan ko na siyang magpunta dito at makita ako. Ngunit hindi bilang nobya niya kundi isang kaibigan lang at paglabas ng mga anak namin uncle ang magiging role niya. Pinagluluto ako ni Javier ng umagahan, tanghalian at hapunan. Busog na

