SARAH HIYANG-hiya talaga ako habang nakatunghay sa Mommy ni Javier. Nahimatay siya kanina ng malamang buntis na naman ako. Naramdaman ko ang kamay ni Javier na humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya. “I am so sorry kung nabuntis na naman kita. Hindi ko lang kasi mapigilan, baby. Alam mo naman kung umariba ang bukol ko walang makapipigil,” sabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Javier sa sinabi niya o seryoso siya. Pareho lang naman kami ng nararamdaman. Sa tuwing malapit si Javier hindi ko ring mapigilan ang sarili ko. Mukha akong hayok sa bukol niya. “Ako ang may kasalanan dahil sana gumamit ako ng protection para hindi mabuntis. Nagbigay naman ang OB-GYNE ko kaso hindi ko iniinom. Naalala ko kasi ang sabi ni Nanay noon na masama ang uminom ng mga tableta. Nakakasira raw

