JAVIER HANGGANG tanaw sa malayo na lang ang nagagawa ko. Tanging ang mga anak ko lang ang pinayagan ni Mommy na makita ko. Hindi niya puwedeng hawakan si Sarah o mahalikan man lang kahit sa pisngi. Tingin lang sa malayo ang puwede niyang gawin. Gusto kong magprotesta dahil napaka-unfair naman iyon sa akin. Matatanda na kami para gawin ‘yon sa amin. Ininom ko ang kopitang hawak ko na may lamang alak habang nakatanaw sa mg-iina ko. Nasa kabilang bahay lang naman sila dahil isang compound lang kami nakatira. We bought this land at pinatayuan namin ng dalawang bahay. Sa aking pamilya ang isa at sa parents ko ang kabilang bahagi. Ayaw daw kasing malayo nila Mommy at Daddy sa mga apo nila. Which is good naman dahil may katulong kami sa pagpapalaki sa kanila. Napasandal ako sa hamba ng pinto

