// goals #2 //

880 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #2// "YEAH?" pilit na pagngiti ni Zoe sa kaibigang si Tristan. "Nothing, Zoe. It's just..." pagputol pa nito. Alam niya kasing mabilis itong mainis kaya naman binitin niya muna. Napairap si Zoe sa ginawa ng kaibigan pero nagtanong na din kung ano iyon. "It's just so not like you to think of dating a Prystonian." "Trust me. I didn't know," pag-ulit niya. Ilang beses niya nang inuulit iyon buong gabi; ang nakakasukang istorya na hindi nila inaasahang mai-in love siya kay Jet dahil nga't magkaaway ang mga unibersidad nila. "Makes me think that's something's up, you know?" pagkilatis sa kaniya ng kaibigan. "Aren't you always the suspicious one?" pero sa pangangatawan nito, maiisip mo na wala itong pakialam sa kahit ano dahil may aura itong pagka-fuccboi kahit stick to one naman talaga. Bilang isang basketball player din ng UBGP*, malaki ang katawan ni Tristan at palaging 'game face' ang initial na mukha kaya napagkakamalang masungit at suplado. "Don't mind me, Tris. I'm okay." · UBGP – University Ball Games of the Philippines (aka UAAP ng story ko, okay?) Pero alam niyang hindi kumbinsido ang kaibigan sa pagtingin nito sa kaniya. "If something comes up, anything at all. You come to me, okay?" Kababata niya ang kaibigan kaya naman alam niyang matatakbuhan niya ito sa mga panahong kinakailangan pero isa itong bagay na hindi niya maaaring sabihin. Nagpaalam na ang dalawang magkaibigan at hinanap na ni Zoe ang supposedly "boyfriend" niya. "Hey, sweet," bati niya dito nang makita ito sa isang bilog ng mga taga-Ostfort. Ngumiti sa kaniya si Jet pero alam niyang hindi naman ito aabot sa mga mata nito. "Hey, baby." Lumiyad ito sa inuupang sofa habang hawak-hawak ang isang bote ng beer. Tinapik nito ang binti niya na ibig sabihin ay umupo si Zoe doon. Pinanlisikan niya muna ito ng mga mata bago sumunod dahil hindi siya makatanggi sa harap ng maraming tao. Hindi naman siya umupo sa hita nito kundi sa tabi at pinatong na lamang ang kaniyang mga binti sa ibabaw ng pangkandong nito at kumapit sa braso. Tumungo si Jet sa kaniya upang makabulong sa kaniyang tenga, "You done flirting with Esquejo?" Pasimpleng siniko ni Zoe si Jet. Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang sensasyon na naramdaman sa pagdapo ng mainit na hininga ni Jet sa leeg niya. "None of your business, a*s wipe." Isang ngisi ang binigay sa kaniya nito nang umatras at binalikan siya ni Zoe ng isang matamis na ngiti. Napaikot ang tingin niya at tsaka niya lang napansin na natahimik na pala ang buong bilog at sila lang ang tinitignan. Ina-appreciate ang panibagong couple. Tama nga ang sinabi ni Jet na mas mabuting hindi mga taga-eskuwelahan nila ang unang nakaalam kundi ang mga karatig nalang nilang mga unibersidad dahil mas tanggap sila ng mga ito. Psh, kung makapagsabi ng tanggap akala mo naman totoong sila. "Damn. Now that I see you two together, I can say you guys look really cute," coo ng isang babaeng hindi maalala ni Zoe ang pangalan. "Thanks," paghilig ng ulo ni Zoe sa braso ni Jet. Umakbay si Jet sa mga balikat niya at nag-settle ang kamay nito sa bewang niya at agad siyang napausog palayo. Yuck, yuck, yuck. Germs! "So, kailan pa naging kayo?" Agad na napatingin si Zoe kay Jet. This is your fault. We were supposed to talk about our story in the car but you made your "get it on" comment and made it all impossible. "Just recently," pagbalik ng tingin ni Jet sa kanila. "Bakit hindi manlang namin alam na may something pala sa inyo? Ngayon lang namin kayo nakitang nasa iisang lugar?" tanong ng isang lalaki. "Sa bahay nila ako nanligaw," proud na tugon ni Jet. Girls around them giggle and are in awe. Naglabas din ng isang kinikilig na tawa si Zoe. Pero isa lang naisip niya. Bobo talaga 'to. Ugh. Ayaw man niyang gaiwn, inabot niya ang kamay ni Jet para makapag-usap sila. "Anong sabi ng mommy niya sa'yo? Considering na isa kang Prystonian?" Madiin na pumisil si Zoe. This is what I'm talking about. "They've met once but we're soon to have lunch." "Eh ikaw, Jet, may balak ka bang ipakilala si Zoe sa parents mo?" Biglang humigpit ang hawak ni Jet sa kamay ni Zoe na medyo nasaktan siya. "Oo naman, mayroon. Soon sana." Kumunot ang noo ni Zoe pero umiling lang si Jet sa kaniya at ininuman ang hawak nitong beer. Doon na natapos ang usapan dahil naramdaman ng lahat ang pag-shift ng mood ni Jet. Wow, ganito pala ang epekto ng lalaking ito. Not that she cares pero ayaw naman niyang makitungo sa lalaking bad mood. Binuhat siya ni Jet hanggang sa tuluyan na siyang nakaupo sa pangkandong nito. Muntikan na siyang mapatalon nang umikot ang braso ni Jet sa bewang niya pero pinatong ni Jet ang baba nito sa balikat niya. Hindi siya mapakali sa posisyon niya kaya naman hindi niya mapigilang magtanong, "What the hell are you doing?" "Just shut up for a sec, Zoe." Napabusangot naman si Zoe dahil alam niyang wala siyang magagawa. Kaya naman kahit pakiramdam niya ginagapangan siya ng ipis sa pagkakadikit ng balat nila ni Jet, tiniis niya na lang at inisip na nasa Fear Factor siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD