STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #36// "LET'S go Pryston, let's go! We are the dragons, let's go! Let's go bluebloods, let's go!" Iyan ang sigaw ng mga taong laman ng stadium dito sa East. Gustong ma-corny-han ni Zoe sa umuugong na cheer ng mga taga-Pryston pero wala siyang panahon na makisabay sa susunod na one-two-two beat ng pagpalakpak na kasama nito. Kung siya hindi mapakali, ito namang katabi niya ay ligayang-ligaya sa pag-cheer para sa school niya. Hindi man ito nakikisabay sa mga sigaw ng mga dating schoolmate, pero ramdam na ramdam ni Zoe na maligaya ito. Pero siya naman itong hindi mapakali. May klase pa siya kanina kaya late na siya nakarating para sa game ni Jet. Nakapagsimula na ang first quarter nang makaupo siya sa VIP area. Sa tabi ni

