STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #37// "I don't need it," matigas na sagot ni Zoe sa kaniya. Umupo ito at nilagay sa likudan ng tenga ang buhok. "Save it." "Well, you don't have a choice. Magpapaliwanag ako sa ayaw at sa gusto mo." Umirap ito sa kaniya at bumalik sa pagkakahiga matapos kuhain ang isang Alcapone na doughnut. Tumalikod ito at napahiga din siya. Now, Zoe doesn't even want to hear him explain. Where does he even start? Ano, sisimulan niya ba kung paano niya nakilala si Heidi? Pero wala namang pakialam si Zoe doon. Ang gusto nito malaman ay kung bakit bigla-bigla na lang siyang nawawala. "Heidi's leaving. She's going to Europe to her aunt. I won't disappear in the middle of the night again." Sinilip niya si Zoe pero busy pa din ito sa pag

