STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #38// PINAUNA nang umuwi ni Jet si Zoe matapos ang championship game. Sa kasamaang palad, nang tumunog ang huling buzzer ng huling quarter hindi sari-saring shade ng asul ang sumabog na confetti kundi green at black. Ang nanlulumong mukha ni Jet ay hindi niya maalis sa isipan niya. Katabi niya itong nanonood ng game... katabing panoodin na kung paanong ang pagtambak ng teammates niya sa kalaban ay unti-unting binawasan hanggang sa bumaliktad na ang sitwasyon. Hindi na ito nagsasalita sa huling minuto ng laban dahil alam nitong matatalo na sila. Excited pa naman itong manood kanina dahil confident itong mananalo sila dahil buo ang tiwala niya sa team; na kahit hindi maglalaro si Jet ay mauuwi nila ang trophy dahil mahusay

