STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #31// "I hate this," nasabi na lang ni Zoe. Matapos siyang punasan ng basang bimpo sa mukha ng mga miyembro ng Red Cross, agad din naman siyang nagising sa panandalian niyang pag-collapse. Umirap siya kay Jet bago inikot ang mga braso niya sa leeg nito. Sinubunutan niya ito nang makita niyang nakangisi. "Tawa-tawa ka diyan? Baka nakakalimutan mong ikaw may kasalanan nito?" Binuhat na siya ni Jet. "'Yung pagka-dehydrate mo, ako may kasalanan. Pero 'yang pagka-sprain mo? Sariling katangahan mo na 'yan." Sumabunot siya ditong muli. "Ang shunga-shunga mo! You don't even know how to catch a girl. Tsk-tsk. Wala kang practice. Wala talagang nai-in love sa'yo 'no?" "Ha!" sabi na lang ni Jet. "Baka hindi mo alam..." "Kung sa

