STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #32// MAS piniling tumayo ni Jet kaysa ang maupo sa mga magkakakonektang upuan sa gilid. Sumandal siya sa dingding dahil mukhang mas kakayanin nito ang bigat niya. He sighs. Sinadya niyang iuntog ang sariling ulo sa pader. What the hell am I doing? Inusog niya nang kaunti ang kaniyang tingin para makasilip sa parihabang salamin sa pintuan. Napadulas siya sa sahig at napatungo. Nakita niya nga si Heidi. Isa lang naman ang pinupuntahan nito tuwing nawawala. Nakikipag-three nights, zero days sa isang kilalang bar sa North East. Walang tulog, tatlong gabing nag-iinom kasama ang ilang manginginom din. Heidi was so close to passing out when he saw her. Tawa ito nang tawa kahit wala namang nagsasalita at nakatungo na sa counter

