"Ma'am De Asis, are you ready for the flight?" tanong ng babaeng flight attendant.
Huminga siya ng malalim.
"Yes. Im ready... Im ready, Dubai.." sagot niya na makikita naman sa kanyang mga ngiti ang pagkasabik at galak.
"Fasten your seatbelt.. And get ready for Dubai Ma'am" Dagdag ng babaeng flight attendant.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Huminga siya ulit ng malalim habang kinakabit ang kanyang seatbelt.
Idinilat niya na ang kanyang mga mata at binigyan ng isang matamis na ngiti ang flight attendant.
Nagsimula nang umandar ang eroplano.
Agad itong lumipad sa ere at sa bawat Segundo, tumitibok at pumipintig na parang tambol ang puso niya.
Nakaramdam siya ng pagkatakot at dali-dali naman pumasok sa kanyang isip ang mga maaring mangyayari sa hinaharap matapos niyang mapagpasiyahan na pupunta sa Dubai.
Hinawakan ng lalaki ang kanyang kaliwang kamay.
"Don't be scared.. Don't forget that im always by your side." Ani ng lalaki.
Pumikit ang babae habang patuloy na lumipad sa ere ang eroplano.
"Lets hope for the best.. Away from mom. Just the two of us" Dagdag pa niya.
Lumuha ang babae at hinigpitan naman ng lalaki ang pagkakahawak sa kanyang kaliwang kamay.
Sa kalagitnaan ng katahimikan, parehong silang nagulat.
Nakarinig sila ng pagsabog. Hindi na sila nagtaka pa kung saan galing ang tunog na iyon sapagkat lahat-lahat na tao sa loob ay nagkakagulo na.
Tumingin sila sa isa't isa.
Makikita ang mga pamilya sa loob ng eroplano na nagyayakapan na tila'y alam na ang kanilang kahihinatnan.
Makikita rin ang mga babaeng umiiyak habang nakayakap sa kanilang mga kabiyak.
Yayakapin sana ng lalaki ang babae, pero tuluyan at biglang sumabog ang buong eroplano.
Huli na ang lahat..
____________________
Enzo's POV:
"Doc, gising na po siya..", narinig ko ang sinabi ng isang nurse habang ako'y nakapikit pa rin.
Hindi ko maigalaw ang aking mga katawan. Ang tanging maalala ko lamang ay ang isang malaking pagsabog.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at agad naman tumambad sa aking harapan si July.
Napatanong ako,"sa.. saan si Alexa"
Tumingin sila sa isa't isa.
Prologue: Love beyond Reality