Cycle

1706 Words
Mahigit sampung minutos na ang lumipas na tumitingin lamang si Enzo sa Labas ng kanilang shop. Nakatutok ang kanyang mga mata sa isang ibon na umaawit sa itaas ng poste. Tahimik lamang siya na tumitingin sa Bintana. Tanging awit ng ibon lamang ang kanyang naririnig. Biglang pinutol ni July ang katahimikan, "oh, kanina ka pa dyan. Sino nanaman ba ang dumadaloy sa iyong isipan? ha Enzo?" Inalis ni Enzo ang kanyang tingin sa ibon at agad niya itong linipat kay July. Binigyan niya ito ng masamang tingin. Makikita sa mukha ni July ang pagkalito dulot ng tingin ni Enzo. "Tingin-tingin mo?" Ani niya at agad naman pinaikutan ng mata ni Enzo si July. "Wala.. WALA" Sarkastikong sagot ni Enzo. "Hoy Enzo dito kana sa counter oh. Mamaya marami ng costumer." Sabi ni July. Agad namang tumayo si Enzo. Pumunta siya sa counter at umupo. "Oo na, MISS July." Ani ni Enzo na tila'y ini-insulto si July dahil sa kanyang tono ng pagkasambit. Enzo's POV: "Required ba na tigasin yung Salita na MISS??" makikita sa mga mata ni July ang galit: Eh, tama naman ako diba? Miss; Wala talagang makikitang mali. Ano bang mali sa paggamit ng miss? I mean, hindi ko siya iniinsulto.. Sadyang natamaan lang talaga siya. Pinaikot ni July ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang masamang tingin. Tiningnan niya ang ako mula paa Hanggang ulo na tila'y nasa hukuman ang buo kong pagkatao. "Bakit? Natamaan ka ba?", Tanong ko sa kanya at agad namang nairita si July. Inalis niya ang tingin sa akin at direkta siyang tumingin sa malaking bintana. "Humanda ka Enzo.. Makikita mo ang paghihiganti ni July..", Ani niya ng mahinahon na nakamasid pa rin sa bintana. "As i said, one call away friend lang ako. Gusto mo ako na yung pipili Sayo eh", Pabiro kong sambit. Binalik niya ang kanyang tingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang mapait na ekspresyon na tila'y inis na inis na ito. Dumagdag pa ako ng isa pang eksena para mas lalo pang ma bwesit si July, " Ano ba gusto mo? Mga teenager? Mga bata? o kasing edad mo?. Pili lang, Ako bahala.." "You know what Enzo, Tangi*a m-", Bigla siyang napahinto sa kanyang pagmumura. May isang lalaki na bumunggad sa aming mga mata. Matipuno, Maamo at higit sa lahat, Maginoo. Napahinto bigla ang Mundo ni July at nagkatinginan naman silang dalawa. Kuminang ang mga mata ni July. Makikita sa kanyang mata na sa bawat segundos sa pagtitig ng lalaki, malumanay siyang nahuhulog. "Bahay kubo.. Kahit munti.. Mamaya na muna.. Ang pagkakalandi..", Kinanta ko ang bahay kubo. Pumikit si July: Kinurot at Pinisil niya ang kanyang mga mata upang matigil na ang kanilang eksena. Tumingin siya sa akin at may sinambit ngunit hindi ko ito maririnig kaya sinunod ko nalang ang pagkibot ng kanyang bibig. ' f**k, You ' "Sir, Ah.. Wait.. Good Afternoon.. WAIT mali. Good morning.. Sir.. Good Welcome, Ay, WELCOME.", Pautal-utal na pagbati ni July. Huminga siya ng malalim. "Good Morning", sagot ng lalaki na parang propesyonal. Kumuha siya ng shopping cart at sinimulang maglakad sa buong shop. Inilipat ko ang aking mga mata kay July at hindi ko naman inasahan na nakatingin na ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "no offense ha, pero... parang, joke wala nalang pala" sabi ko kay july. Mahigit limang taon na kaming magkakilala ni July, alam na alam ko na kung paano paiinitin ang kanyang ulo: As expected, sanay na siya no. Imagine ginagawa ko ito araw-araw, syempre masasanay ka; NO CHOICE.. Sumigaw si July, "Oh ano? Sabihin mo!!???" hindi niya na nakontrol ang kanyang emosyon. Biglang napahinto ang lalaki sa pagkuha ng kanyang mga balak bibilhin na kagamitan. Tumingin kami ni July sa isa't isa. Makikita sa mga mata ni July ang pagkahiya, hindi niya na binalikan ng tingin ang lalake. Sa halip, kinuyom niya na lamang ang kanyang mga kamao at ngumiti sa akin ng napaka peke. "im.. I.. Im sorry." paumanhin ni July na nasa mahinhin na tono. I smiled "kanina ka pa Enzo. Nakakairita kana puntang*na" pagmumura sa akin ni July. "Did you know that swearing is a sin? like... sumusobra na yung bunganga mo. Magagalit si Papa Jesus you know?" sarkastiko kong biro sa kaniya "GaGA, alam kong Atheist ka no!" malakas na sambit ni July: But, I can't deny. Atheist talaga ako no. Hinding-hindi ako magpapalinlang sa kanilang mga diyos. Taon-taon akong nagdadarasal dati. Eh ano ako ngayon? LOL, they are just fooling theirselves. WALANG himala, WALANG diyos. "eh totoo naman ako diba??" sagot ko kay July. Pinaikutan ko siya ng mata, "Not now but soon, Maniniwala ka rin enzo" Tumawa ako sa kanya. Yeah i know, Its weird. Commentator si July sa simbahan, tapos ako atheist. Minsan nga bible verse yung laman ng kanyang mga bag eh. Pero mas malala si Levi: Seminarista ang pucha. "Excuse me.." Ani ng lalaki na tila'y hinahanap ang atensyon namin ni July. Dali-dali akong pumunta sa counter, "Sorry sir!!" "goodmorning sir, how's your day" tanong ko at binigay niya sa akin ang kanyang mga ibinili. Hindi siya sumagot; Mga propesyonal talaga.. May mga superiority complex jusko. Ini-scan ko ang lahat-lahat niyang mga binili gamit ang scanner. Hindi na ako umimik pa sapagkat alam ko naman na hindi ito sasagot. "327" ani ko na walang pinakitang emosyon. Binigyan niya ako ng isang libo. Huminto ako sandali upang mag proseso ng kanyang sukli gamit ang aking utak ngunit hindi talaga ito gumagana kaya tumingin nalang ako sa screen ng aming scanner; Lol bobo kasi ako eh, and i admit that. "673." malamig kong sambit at agad ibinigay sa kanya ang kanyang sukli. Dali-dali niyang kinuha sa aking kamay ang plastic na kung saan nakalagay ang kanyang mga ibinili at agad naman itong umalis ng walang pasalamat. Pinaikutan ko siya ng mata. Tiningnan ko si July habang naka krus ang aking mga kamay, "yun na yon?" She rolled her eyes. "Ang bastos kaya Jusko.." Ani ko "soo???? ano yung akin?? ha enzo??" galit na tanong ni July na sumisigaw. "hmm?? maybe? Future boyfriend? Husband?" Hinampas niya ako gamit ang kanyang mala bato na kamay. Sumigaw ako sa sakit, "Tangina mo July, ang sakit" Tumawa siya. "I don't care" Malamig na sagot ni July. "swerte ka, mas matanda ka sakin!" Sabi ko She sighed "as i said, wala talaga akong pake" Dagdag pa ni July na nakaka irita. I rolled my eyes. Hindi ko na pinansin si July. Sa halip, umupo nalang ako sa counter at inopen ang aking cellphone. • 6 missed calls Well, hindi na ako nagulat pa. Sabi nga na ayaw ko sa Dubai eh. Ano?? doon ako manirahan at makipagplastikan sa mga hindi ko naman tunay na kapatid?; Ano? parang tuta lang na ipamimigay at ihahagas kung saang lupalop ng mundo? huh, what a shame. "TANGINA" Sumigaw si July. Sa sobrang pagkalito, tumingin ako sa kanya "what the hell July???" "Si AGATHA" Sagot niya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Napatanong ako, "who the hell is Agatha??" "Yung w*****d bhie" Naging blanko Ang aking ekspresyon. Akala ko kasi kung ano na yung nangyari. Sobrang oa talaga itong si July, w*****d lang naman pala yung binabasa. "July punta muna ako sa labas" Paumanhin ko sa kanya. "baka ano nanamang kababalaghan yan?" Sagot niya. Hindi na ako umimik pa. Hindi naman talaga ako pupunta sa labas eh, uuwi na ako. Ang boring kaya dito sa shop. doon sa Apartment makakapag vape pa ako dun noh. Manifesting wala si LEVI..... Please.... Please... Please.. -------- Lumabas na ako sa shop at hindi naman namalayan ni July na lumiko ako sa kanyang direksyon. Kinuha ko ang aking susi at agad pinaandar ang aking motor. Sinikapan ko talaga na pinaandar ako motor na hindi marinig ni July; Tatakas nga diba. Hindi naman malayo yung shop sa apartment, kung pwede ngang lakarin, Lakadin ko talaga. Perhaps, mayroon akong motor. Bakit pa ba ako lalakad kung meron naman akong motor? Nasa mahigit apat na minutos ako na bumyahe papunta sa aking apartment. Ganun ka lapit. ____________ Nakarating na ako sa apartment. Binuksan ko ang pintuan at wala namang tao na tumambad sa aking harapan kaya wala siguro si Levi. Habang ako'y naghuhubad ng aking sapatos, nakarinig ako ng isang boses na tila'y pamilyar sa aking mga tenga. parang si... Si LEVI. Tumalikod ako at hindi nga ako nag kamali. Si Levi.. Seminarista si Levi. Gusto nya ata maging pari; Thats why hindi ko siya gusto nakakairita talaga. Palagi siyang may ibinibigay sa akin na mga bible verse, Hindi naman araw-araw pero kadalasan. Palagi kasi siya sa simbahan. Parang bahay niya na yun eh. "Hey! What's up Enzo?" Tanong niya at agad naman akong nairita sa kanyang boses. Ani ko habang kinukuyom ang aking mga kamao, "Ok lg naman, haha" "Gusto mo ba maging commentator sa simbahan? andun pa si July!!" Dumilim ang aking mga paningin. "NO" Matigas kong sagot. "Are you okay? wait I'll think a bible verse for you nalang", Mas lalo akong nairita sa kanyang tanong. Tangina, kung pwede lang sana makapatay ng tao, matagal ko na ito inuna eh. Nakakairita talaga. Eh ano?? ano yung pake ko sa mga bible verse mo?? "Sorry Levi ha, pero i had so many things to do pa eh, is that ok sayo? na hindi na muna magbibigay ng bible verse?" paumanhin ko na halata namang purong kaplastikan. Tumango siya. Lumakad ako papunta sa aking room. Agad ko binuksan ang aking pintuan at hindi naman ako nagulat sa mga bagay na pa kalat-kalat sa aking sahig at lamesa. Isinara ko ang pintuan at tumalon sa aking higaan na napaka lambot. Huminga ako ng malalim. ipipikit ko na sana ang aking mga mata, ngunit nakaramdam ako ng pagkukulang. i need my vape. Kinuha ko ang aking vape sa ilalim ng sofa. Humiga ako ulit at agad naman itong Pinausok usok sa loob ng aking room. To be honest, vape lang naman kasi yung nakakapagtulog sa akin. Parang isa siyang magic sa aking katawan. Everyday, ito talaga ginagawa ko. Its my life Cycle. Habang ako'y nakahiga, marami nang mga bagay ang sumasagi sa aking kaisipan, kaya huminga nalang ako ulit ng malalim, pinikit ang aking mata at tuluyan naman akong nawalan ng malay. 01: Cycle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD