YANNA POV
Pumasok na ko sa loob ng bahay.
"Ma, Ma" tawag ko kay mama.
"Ohh anak kamusta? kung makasigaw ka diyan para ka namang anu dyan" tugon ni mama na nag lalatag ng pagkain sa mesa.
Tinignan ko naman kung anung oras na sus maryusip ala sais palang naman pero ito na si mama nag hahanda na ng makakain.
"Ma ang aga mo naman mag handa ng pagkain sa hapag" sabi ko at saka nilagay yung bag ko sa upuan.
"ahh oo nga no di ko lang napansin anak sorry" agad na sabi ni mama at balak na sana niyang ligpitin sa mesa yung mga pagkain ay pinigilan ko kaagad siya.
"wag na po ma kain nalang po tayo ngayon" sabi ko at saka umupo na sa upuan.
nilagyan ko na ng kanin yung plato namin ni mama at ng ginisang kangkong at yung tira na tuyo kaninang umaga.
kumain na muna kami ni mama at pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na lahat ng nasa mesa at nag hugas na ng mga plato. Pagkatapos ko mag hugas ng plato tumulong naman si mama sakin na mag punas nito at isalansan ito sa lagayan.
"Ma may sasabihin po pala ako sayo" sabi ko kay mama.
"anu yun anak?! wag mong sabihin na mag aasawa kana? o buntis ka" oa na sabi ni mama agad naman akong napasimangot.
"mama naman, seryoso po ako" maktol kong sabi kay mama.
"aba deretsahin mo kasi wag yung pahinto hinto malay ko ba whh nasa tamang edad kana rin naman malay ko ba na buntis ka o mag aasawa kana hahaha" biro na sabi ni mama habang tumatawa.
"Ma naman umayos ka nga po, anu kasi ma may trabaho na po akong nakuha bukas na po start ko" sabi ko kay mama na nakangiti.
"eyyyy" sabi ni mama at bigla ako nitong niyakap napayakap naman ako sa kaniya.
"san ka naman mag tratrabaho niyan" tanong ni mama.
"sa company po nung pinsan ng kaibigan ko po ma" nakangiti na sabi ko kay mama napayakap naman siya sakin ng mahigpit.
"anu ang trabaho mo dun?" tanong ulit ni mama.
"ma andami mo pong tanong huhu" maktol na sabi ko..
"aba syempre anak kasi pag nagka problema ka o may nangyari sayo alam ko kung san ako pupunta o kung anu ang gagawin ko" mahinahon na sabi ni mama napatango naman ako sa kaniya.
"personal secretary po ako nung magiging CEO ng company po which is yung cousin po nung kaibigan ko po" ngiting ngiti ma sabi ko.
"mabuti yan anak pero pag di mo na kaya mag trabaho sabihin mo lang kay mama ha ako na ang bahala" tugon ni mama habang hinahaplos yung buhok ko.
"opo ma" nakangiting sabi ko kay mama.
"ohh siya anak matulog kana at nh makapag pahinga kana may pasok kapa sa school bukas at may work ka pa sobrang proud ako sayo anak" maluha luhang sabi ni mama..
sino ba naman ang di magiging proud na parents kung ganto yung kalagayan namin imbes na mag inarte ako sa gantong edad ko pero mas iniisip ko yung future namin ni mama.
pumasok na kami ni mama sa kaniya kaniyang kwarto at ito ako mag babanlaw ng katawan ko para maganda ang tulog ko. hindi kasi ako makatulog pag hindi ako nag hahalf bath.
ang gwapo ni sir Nathan grabe tapos tapos yung waahhhhh yung dede niya sobrang tigas waaahhhh hahahaha mas gwapo at maangas tignan si sir Nathan kaysa kay sir kumag.. anu nga ulit pala pangalan nun ni sir kumag itatanong ko nalang ulit kay Irish bukas hahaha baka magkasalubong kami sa daan nun tas tawagin ko siyang sir kumag sa daan baka patayin ako nun waahhhhh hahahaha.
ayy naku bilisan ko na nga tong pag half bath at ng makatulog na ko..