PART 8

870 Words
Yanna POV Alas-singko pa lang ng umaga, gising na ako. Hindi pa man lubos ang sikat ng araw sa bintana, naririnig ko na ang mga huni ng ibon sa labas. Bumangon ako mula sa banig, agad kong inayos ang higaan at tinungo ang maliit naming kusina. "Ma, ako na po d'yan," tawag ko habang inaabot ang kawali. Ngumiti si Mama habang abala sa pagtitimpla ng kape. "Anak, hindi ba't first day mo sa trabaho mamaya? Hayaan mo na si Mama ngayon. Magfocus ka na lang sa klase mo." Napangiti ako. “Ma, kahit first day ko sa trabaho, student pa rin ako. Kailangan ko pa rin gampanan pareho.” Ito ang buhay ko—isang normal na estudyanteng gustong makapagtapos at makapagtrabaho nang sabay. Hindi madaling pagsabayin, pero kailangan. Lalo na para sa kinabukasan namin ni Mama. Pagkatapos mag-almusal, nagbihis na ako ng uniform at inayos ang mga gamit ko sa school. Mula Pamplona papuntang bayan, halos 30 minutes din ang biyahe. Kabisado ko na ang bawat lubak ng daan, bawat barker sa terminal, bawat tindera sa palengke. Habang nasa classroom ako, hindi ko maiwasang mapatingin palagi sa orasan. Alas-dos y medya pa lang, pero parang tumatalon na ang puso ko sa kaba. Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa boss ko. Paano kung masungit siya? Paano kung magkamali ako agad? "Yanna, okay ka lang ba?" tanong ni Irish, ang kaibigan ko na siya ring nag-refer sa akin sa trabaho. "Ha? Oo naman. Medyo kinakabahan lang. First day feels." Pilit kong ngumiti. "Natural lang yan. Si Kuya Nathan lang naman ang boss mo strict pero chill lang ‘yan pag hindi mainit ang ulo." Napakunot-noo ako. "‘Pag hindi mainit ang ulo? Eh paano kung init ng araw ang sumalubong sa kanya ngayon?" Tumawa siya. "Good luck na lang! Text mo ako agad pag may update, ha?" Dumiretso ako sa CR matapos ng klase. Nagpalit ako ng corporate attire: light blue blouse, black slacks, at closed shoes. Sinuklay ko ang buhok ko at tinignan ang sarili sa salamin. “Kaya mo ‘to, Yanna. Di ka nag-aral at nagsumikap ng ilang taon para lang matakot sa first day ng trabaho.” Paglabas ko ng school, sakay agad ako ng jeep papuntang city. Nang makita ko na ang malaking building ng kumpanya, kinabahan ulit ako. Lakas loob akong pumasok, at lumapit sa reception. “Good afternoon po, ako po si Yanna Santiago. Naka-assign po ako sa Executive Office. First day ko po ngayon.” Ngumiti ang receptionist. “Ah, ikaw pala ang bagong secretary. Inaantay ka na sa 18th floor. Elevator sa kanan.” Habang nasa elevator, parang may drum na tumutugtog sa dibdib ko. Nagsimula na naman ang panlalamig ng kamay ko—symptom ng sobra kong kaba. Ding! Pagbukas ng elevator, bumungad sa akin ang hallway na puro glass walls at modern furniture. May babaeng sumalubong sakin. “Ms. Yanna Santiago right?" Tumango lang ako, pero sa loob-loob ko gusto ko nang tumakbo palabas. Pumasok kami sa opisina. Nakatayo ang isang lalaking naka-black suit, hawak ang tablet at abala sa pagbabasa ng dokumento. Tumaas agad ang kilay ko—hindi ko inaasahan na ganito ka-gwapo ang isang CEO sa personal. Matangkad, matikas, may mapupungay na mata at mukhang may laging alam. Pero seryoso ang aura. Walang biro. Walang ngiti. “Sir andito na po si Ms Yanna Santiago.” Tumingin siya sa akin. Diretso, walang alinlangan. Para akong natunaw. Bakit ba ganyan tumingin ‘tong taong ‘to? “Ms. Santiago?” tanong niya. “Yes, sir,” sagot ko agad, bahagyang yumuko bilang respeto. “I’ll brief you in five minutes. Wait in the conference room.” Tumalikod siya at naglakad papunta sa kabilang kwarto. Pagkaupo ko sa conference room, saka lang ako nakahinga. Parang buong kalamnan ko ay nag-relax nang sabay. Pumikit ako ng ilang segundo, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok si Sir Nathan. “Let’s begin.” Binigyan niya ako ng isang folder. Nandoon ang schedule niya, listahan ng contacts, at mga meeting notes. Tinuro niya sa akin kung paano mag-set ng appointments, mag-handle ng calls, at kung kailan ko siya pwedeng istorbohin. “I’m strict with time. Lateness is not tolerated. Ayoko rin ng paulit-ulit na instructions. Understood?” “Understood, sir.” “Good. Then we’re good to go.” Tumango siya at umalis ulit. Naiwan akong nakatingin sa mga papel. Okay, Yanna. Ito na talaga. --- Later that Evening Alas-sais na ng gabi. Halos tapos na ang unang araw ko sa trabaho. Pagod na pagod ako, pero masaya. Nakayanan ko. Hindi ako napahiya. Hindi ako sumablay. Nakasakay na ako sa jeep pauwi, bitbit ang folder at isang maliit na notebook kung saan sinulat ko lahat ng instructions ni Sir Nathan. Bukas ulit, ganito na ang routine ko. “Study in the morning. Work in the afternoon. Survive every day.” Pagdating sa bahay, sinalubong ako ni Mama. “O, anak! Kumusta ang first day mo?” “Okay lang po, Ma. Nakakapagod, pero masaya.” Ngumiti si Mama at niyakap ako. “Proud ako sayo, anak.” At sa simpleng yakap na ‘yon, nawala ang pagod ko. Para sa kanya lahat ito. Para sa kinabukasan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD