PART 9

917 Words
POV: Yanna "Yanna, gising na! 5:30 na!" tawag ni Mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon. Ang bigat ng katawan ko parang nabugbog ng isang buong araw ng trabaho at klase. Grabe pala talaga ‘to kapag sabay ang school at trabaho. Today is my second day as Sir Nathan’s personal secretary, and I want to prove I deserve this spot not because I was referred by Irish, but because I earned it. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniform, sabay inom ng kape at isang kagat ng pandesal, nagmadali na akong pumasok sa school. --- At School – 2:00 PM "Yanna, sure ka ba talaga d'yan?" tanong ni Irish habang palabas kami ng classroom. "Na saan?" tanong ko habang bitbit ang mga notes ko. "Na kaya mong pagsabayin ‘to lahat. Studies mo, tapos work pa under ni Kuya Couz. Alam mo namang… intense ‘yon." Napabuntong-hininga ako. “Oo nga eh. Pero kailangan, Irish. Hindi lang ‘to para sa resume ko. Para ‘to kay Mama. Para sa future namin.” Ngumiti si Irish at inabot sa’kin ang isang energy bar. "Ayan. Pang-laban mo mamaya. Si Kuya Couz medyo suplado sa first few days, pero pag nasanay ka na, kaya mo na ‘yan. Basta wag kang matulala sa pogi points niya. Hahaha." Napatawa ako kahit stressed. “Noted, thanks. See you later.” --- 3:20 PM – Executive Office Pagdating ko sa opisina, deretso agad ako sa desk ko. Maayos kong inayos ang mga papel schedule ni Sir Nathan, daily reminders, meeting agenda. Inayos ko rin ang buhok ko saglit. Kahit papaano, gusto ko namang presentable ako lalo na’t ako ang personal secretary niya. "On time," sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong napatingin. Si Sir Nathan. Gaya kahapon, seryoso, walang emosyon. Tumango lang ako. “Good afternoon po, Sir.” “Follow me,” utos niya habang naglalakad papasok sa conference room. Pumasok kami. May tatlong folders sa table, laptop, at projector. “Prepare these reports for my 6 PM investor call. One-page summary. No errors.” Agad akong umupo at nagsimulang magbasa at mag-type. Pero kahit abala ako sa trabaho, hindi ko maiwasang pansinin kung paanong kahit simpleng pagtayo lang ni Sir Nathan ay parang may authority na agad. His voice, his posture, his gaze — lahat commanding. At kahit seryoso siya, may kung anong humihila sa atensyon ko. Yung parang gusto mong maintindihan bakit siya ganon. Bakit parang may dalang bigat ang bawat salita niya. “Is there a problem?” tanong niya habang nakatitig. “W-Wala po, Sir. Pasensya na,” sagot ko. Tumango lang siya at tumalikod. --- 5:00 PM Pagkatapos ng halos dalawang oras ng pagbasa, pagsuri, at pagtipa ng keyboard, natapos ko rin ang report. Tatlong ulit ko pa itong ni-review bago ko dinala sa opisina niya. Kumatok ako. “Come in.” Tahimik akong pumasok at iniabot ang report. Binasa niya ito nang walang imik. Pinagmasdan ko siya seryoso pa rin, pero mas relaxed na. "Not bad. Clean. Concise. You’re learning fast." Nagulat ako. Compliment ba ‘yon?! “Thank you, sir.” “Don’t let it get to your head. It’s just day two.” Ayun na nga. Sandali lang ang papuri. Back to being cold boss. “Stay here and listen to the call,” utos niya. “Po?” “You want to be good at this job? Then learn the hard way.” Tumango na lang ako kahit may kaba. Binuksan niya ang laptop at nagsimula ang investor call. --- 6:15 PM – After the Call Pagkatapos ng call, pinatay niya ang laptop at tumingin sa akin. “Impressions?” Nagulat ako. “Uhm… You’re very direct, sir. Confident. You didn’t let them control the conversation. And… you sounded like you already knew their doubts before they said them.” Tumango siya. “Good. That’s the goal. Control the room. Never let them see your weakness.” Tumingin siya sa bintana, tahimik. Maya-maya, tanong niya, “Why did you accept this job, Yanna?” Bigla akong napatigil. Bakit nga ba? “Because I need it. For experience. For the money. Para po kay Mama. Para makapagtapos ako.” Tumango siya. “You’re young. You should enjoy life. Why carry so much burden?” Hindi ko alam kung tinutukso niya ako o seryoso siya. Pero sinagot ko pa rin. “Hindi po kasi lahat ng bata, may choice na mag-enjoy. Yung iba po, kailangan na agad magpakalalim.” Tiningnan niya ako saglit, parang may naalala. Maya-maya, tumalikod siya. “Get some rest, Ms. Santiago. That’s all for today.” Tumango ako at lumabas ng office, bitbit ang bigat ng sinabi niya. May pinagdadaanan din ba si Sir Nathan? --- Later That Night – At Home Habang kumakain kami ni Mama, kinuwento ko ang araw ko. “Ma, mahirap pala talaga pagsabayin ang lahat. Pero kinaya ko.” Ngumiti si Mama. “Proud ako sayo, anak. Pero wag mong pahirapan masyado sarili mo ha. Tsaka… mabait ba yang boss mo?” Napaisip ako. “Hindi po siya mabait. Hindi rin siya masama. Parang… complicated.” “Hmm. Gwapo ba?” “MA!” Tumawa si Mama. “Ewan ko sa’yo. Basta galingan mo anak. Pero wag masyadong mapalapit. Boss mo ‘yan.” “Noted po.” Pero habang nakahiga ako, hindi ko maiwasang maalala ang tanong niya. “Why carry so much burden?” At ang tanong sa sarili ko: Siya rin kaya, may dalang bigat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD