YANNA’S POV Pagkatapos ng tawag ni Nathan tungkol sa ‘IT update’ na pinigilan niya, mas lalo akong naging alerto. Sa dami ng nangyayari memo, suspicious emails, anonymous warnings, HR chismis hindi ko na alam kung saan ako dapat tumingin. Pero isa lang ang malinaw sa akin: si Nathan, kahit pilit na nagtatago ng bigat, ay pinoprotektahan ako. At habang tinitingnan ko ang schedule board ng department namin, isang bagay ang tumusok sa atensyon ko “Site Visit Batanes Coastal Eco Dev | Team: Santiago, Villafuerte | Depart: Tomorrow AM” Bumilis ang t***k ng puso ko. Tumawag agad ako kay Nathan. “Hi,” bati ko agad. “Did you approve this site visit? Tayong dalawa lang?” “Yes,” sagot niya, calm pero may lalim. “Lohr was supposed to join pero kailangan siya dito. The board wants you to lead t

