YANNA’S POV Matapos ang ilang minutong tahimik na sandali pagkatapos umalis ni Nathan mula sa opisina ko, pinilit kong ibalik ang focus sa trabaho. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko matanggal sa isipan ang mga halik niya, ang haplos, ang init ng mga mata niya habang sinusubukang itago ang nararamdaman. Nakatingin ako sa spreadsheet sa screen, pero hindi ko naiintindihang mabuti ang mga figures. Lalo pa’t may memo pa akong binasa kanina mula sa Legal. Halos manginig ang kamay ko habang ini-scroll ko ulit ang memo. Binasa ko ng mas mabagal. Mas malalim. May pattern na sinasabi sa memo. May mga project codes na hindi nagtutugma sa original documentation. May discrepancies sa pirma. Ilang signatures na mukhang forged. At sa ilalim ng listahan—isang project code na nakarehistro pa noong wa

