YANNA’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Mas maaga kaysa sa alarm ko. Siguro dahil sa dami ng iniisip presentation kahapon, mga revisions ngayon, at siyempre… si Nathan. Hindi pa kami nagkakausap ng aayos mula kagabi. Oo, nag-text siya, oo, bumisita siya sa office ko sandali at wahhhh may nangyari samin sa Rest room. Pero ramdam ko na malayo kami sa isat isa Alam ko naman na ginagawa namin to para saming dalawa lalo na sa kaniya malaki ang mawawala sa kaniya pag nahuli kami. hayst minsan na nga lang mag karoon ng love life ganto pa ang nararanasan ko. By 7:30 AM, nasa campus na ako. Suot ko ang simpleng blouse at jeans, may blazer na naka-fold sa bag para sa work mamaya. Iba talaga ang pakiramdam kapag galing kang boardroom kahapon, tapos ngayon ay nasa classroom ka. “Ms. Head of

