YANNA POV
"be bat di mo naman sinabi na may kuya kang kasing siraulo mo" natatawang sabi ko kay Irish.
Kaagad anman ang bruha nagpalipad ng buhok niya at mataray na tumingin sakin.
"excuse me Yanna first of all hindi kami mga siraulo ikaw lang to nagsasabi niyan second is di ka naman nag tanong kung may kuya ba ako o wala" pataray na sabi niya.
aba aba tinatarayan nako ng loko na to.
"ayst iwan ko sayo" inis na sabi ko sabay walk out.
tinignan ko naman yung binigay sakin na card nung kuya niya. Calling card ito at may address na nakalagay ito ata yung pupuntahan ko mamayang 5 pm.
"Yanna gusto mo bang samahan kita papunta sa company nung cousin ko" tanong ni Irish.
"wag na baka busy ka mamaya" agad na turan ko.
"anu ka ba pupunta din naman kasi ako dun mamaya kasi pinapakuha sakin ni couz yung pasalubong niya sakin" kinikilig na sabi niya.
"ohh sige na nga" tangong sabi ko.
naglakad na kami papunta sa room namin at baka kami ay malate pa. Itong si Irish mayaman nga talaga sila akala ko nung una katulad ko lang siya kasi naman imbes na sa mga high class na mga kaibigan ang samahan niya ako tong parang basahan ang sinasamahan niya palagi.
**fast forward**
umupo na kami ni Irish sa upuan namin dahil nakita namin na papasok na ng room namin yung instructor namin.
"okay class since this is your 2nd semester all of you need to attend the seminar tomorrow its all about your laboratories, so Im expecting all of you will be there, understood!" saad ng instructor namin at ayun umalis yun lang di na siya nag turo petmalu yurn haha
"wala nanaman klase kay maam, panu tayo matututo nito" malungkot na sabi ni Irish.
"Aba aba be seryoso ka dyan sa sinasabi mo? apaka galing mong umakto kunwari ka pa eh gusto mo ngang walang pasok palagi at maya maya lang mag aaya ka nito sa cafeteria for sure" sabi ko sa kaniya at tinarayan ko siya.
"kilalang kilala mo talaga ako be, hahahaha" tawang tawa na sabi ni Irish
"halika na nga Yanna punta na tayo ng cafeteria anung oras palang naman hehe tsaka wala na tayong susunod na klase for sure kasi kaya di tayo nag class ngayon may meeting daw yung mga instructors dahil sa gaganapin na event at welcome party para sa bagong owner nitong school" mahabang paliwanag niya.
"tara tara" sabi ko nalang pero habang nag lalakad kami ay p*ta nakakahiya kanta ng kanta si Irish animiy bata kung magkanta. Kantahin ba naman ang ako ay may lubo.
Ako ay may lubo
lumipad sa langit
di ko na nakita
**boom** **boom**
pumutok na pala
sayang lang pera ko ( kunwari pa umiiyak)
pambili ng lobo
kung pagkain sana
nabusog pa ako (sabay hawak pa sa tyan niya)
"Irish itigil mo na yan masyado ka ng nakakahiya" saway ko sa kaniya
"bakit po mame" parang bata kung magsalita pa. amp*ta bahala siya dyan tumakbo nalang ako.