ONE

1455 Words
Yanna POV "Yan anak gumising kana dyan anung oras na" kaagad akong napabalikwas sa sigaw ni mama. "opo ma" malumanay na sagot ko. aba sino ba naman ang di magiging malumanay ang kilos kung ang tinulog mo ay isang oras lang di pa nga ako sure kung buong isang oras ang naitulog ko hayst. Panu ba naman ako makakatulog eh tong utak ko panay andar. Maka bangon na nga at may pasok pako, naligo na ko at nag bihis ng uniform ng lagay lang din ako ng kunting pulbos at liptint. Lumabas na ko sa kwarto ko pero di pa ko nakakababa ng hagdan ng marinig kong may kausap sa telepono si mama. "mare baka meron ka dyan uutang sana ako kailangan ko kasi makapag bayad na ng renta ngayong buwan kasi kung hindi paaalisin kami dito" ring kong sabi ni mama. Napabuntong hininga naman ako nung marinig ko iyon, ito ang dahilan kaya di ako nakatulog buong gabi, dahil sa kakaisip kung panu ko matutulungan si mama sa mga gastusin dito at kung panu ako kikita ng pera. Bumaba na ko at tinawag si mama. "ma anu pong ulam natin" nakangiting tanong ko kay mama, ngumiti naman siya pabalik sakin at nakita kong bigla niyang tinago ang cp niya sa kaniyang likod. "tu-yo lang anak ang nakayanan ni mama pasensya kana ha" mahinahon na tugon niya at saka tuluyang lumapit sa mesa. "ayy naku ma alam mo naman na paborito ko to eh di hamak na mas masarap pa to sa fried chicken" turan ko, sumandok nako ng kanin ko tsaka para kay mama. "ma" nag aalangang tawag ko kay mama. Kinakabahan kasi ako di ko alam kung itutuloy ko ba yung pag papaalam ko sa kaniya o hindi kasi alam ko naman na aayaw yan. "anu yun anak?" tanong ni mama "ma anu kasi gusto ko po sanang magtrabaho ng sagayon ay makatulong po ako sa iyo sa mga gastusin po dito sa bahay" deretsang sabi ko. "anak anu ka ba! nag-aaral ka diba? kunti nalang ohh makakapag tapos kana 3rd year kana anak mag focus ka nalang sa pag-aaral ako na muna ang didiskarte" medyo galit na sabi ni mama. Alam ko naman na magagalit siya kaya nga nag aalangan ako kanina eh hayst. "ma di ko naman po sinabing aalis ako sa pag-aaral ko po, syempre gusto ko rin po makapag tapos ng pag aaral at masuklian ko po kayo sa mga hirap at sakripisyong binibigay niyo po sakin" explain ko kay mama. "atsaka ma kaya ko naman po pagsabayin ang pag aaral ko at pag tratrabaho kung sakali man po na makapag hanap po ako ng trabaho po" dagdag ko pang sabi kay mama. "hay naku anak! sige kung yan ang gusto mo pero ipangako mo sakin na tatapusin mo ang pag aaral mo okay?" pag klaklarong sabi ni mama. Ngumiti ako ng napaka lapad kay mama at saka lumapit ako at yinakap siya. "thank you po ma, promise ko po yan" nakangiting sabi ko pa. "oh siya dalian mo na yan dyan" pabirong sabi ni mama. Nagmadali na ko sa pagkain at anung oras na rin baka ako ay malate pa. "Ma alis na po ako" sigaw ko nasa likod kasi si mama nag didilig ng mga halaman niya. Di ko na inantay pa yung sagot ni mama umalis na ko maglalakad pa kasi ako papuntang school. Habang nasa daan ako ay biglang may na kung qnung bagay na nilipad papunta sa mukha ko at p*ta newspaper pala. "anu ba naman to p*tik sino ba naman ang nag....... hala pag sineswerte ka nga naman, thank you lord!" napasigaw na sabi ko. kaagad naman nagsi tinginan ang mga taong nakapaligid sakin ultimo yung nasa kotse na nakasakay binuksan pa yung bintanan niya at nag smirk saka pinaky*han pak.... ayy teka salbahi yun ah..... nilapitan ko siya at kinatok yung sinarado niyang bintana aba natakot ata nung napansin niya lalapit ako sa kaniya. "hoy gag* ka siraulong to bat mo ginawa yun ha! di porket gwap.... este mayaman ka pwede ka ng mang ganun ng tao ha" malakas na sigaw ko sa lalaking nang p*kyo sakin. "what the h*ll miss! What are you doing!" iritableng sigaw nung lalaki na parang bakla kung makapag salita aba aba. "wag mo ko ma what the h*ll dyan! siraulo ka pinaky*han mo lang naman ako" malakas na sigaw ko sa kaniya kulang nalang tumalsik ang laway ko sa mukha niya. "what are you talking miss! Look sa ginagawa mo sa kotse ko pwede kitang idemanda may" galit na sabi niya. Bigla naman akong natauhan sa ginawa ko huhu wala na nga akong pera may magiging atraso pako. Pati si mama mabibigyan ko pa ng problema nito sa ginawa ko wala akong ibang dapat gawin kundi ang................TAKKBOOOO "Hey miss!!!! Kinakausap pa kita san ka pupunta" rinig ko pang sabi nung lalaki.. Aba gag* ba siya anu akala niya mauuto niya ko atsaka sinong tanga ang di tatakbo lalo nat sinabi niya na pwede niya ako idemanda at mas lalo pa talaga akong tatakbo dahil wala akong pera. Neknek niya pag nagkataon mag kita man kami ulit sisigaraduhin ko na may pera nako na kayang isampal sa kaniya HAHAHAHA.... ayssstt "argghh pawisan na tuloy ako, mabilis pala akong tumakbo biruin mo nasa harap na pala ako ng skwelahan ko" bulong ko sa sarili ko. "Yeah miss..." "ayyyy kalabaw" sigaw na sabi ko, huhu mukhang wala na akong lusot ngayon "anu ba sinusundan mo ba ako?" tanong ko siya lang naman yung lalaki kanina paktay ako nito huhu. "baka may atraso ka sakin" naka smirked na sabi niya sabay kindat. "hoy! Mr. who you! wala akong atraso sa....." "yanna" rinig kong may tumawag sakin na naging sanhi ng di ko natuloy yung sinasabi ko dito sa asungot na to. Nilingon ko kung san galing yun at ayun sa bestprend kong epal. Wrong timing yung dating niya baka kung anung isipin niya dito sa lalaki na to madumi panaman isip niya. Kumaway siya sakin at kumaway din ako sa kaniya. "Yanna, bat ka naman umalis kaagad sa inyo sabi ko naman sayo na dadaanan kita" sabing naka simangot ng bestprend ko kuno. "ahh anu kasi....." "kuya?" Biglang sabi ni Irish sa lalaki na to.wait Nak ng tupa naman ohh bat ba palaging napuputol yung sinasabi ko ganto ba talaga yung role ko sa buhay ko na to huhu. "be kuya mo to?" sarkastikong tanong ko kay irish. "opo" nakangiting malapad na sabi nung siraulo ko ring bestprend di nako magtatanong pa para ikumpirma kasi halatang magkapatid talaga sila kasi parehas silang sira ulo. di na ko nagsalita pa at naglakad na ko papunta sa classroom. "hep hep hep you're not allowed to go anywhere, you need to compensate me from the time that I've lost because of your stupidity and also yung car ko you need to pay it also sa pag kakalampag mo dun" maangas na sabi nung kuya ng siraulo ko g bestprend huhu paktay nako nito huhuhuhu.. "wait, what are you talking about kuya?" walang ka ide ideyang tanong ni Irish sa kapatid niya. "this girl was stupid she's talking to herself and after that she's accusing me na pinaky*han ko daw siya wtf and also di pa siya nakontento kinalampag pa niya yung kotse ko tapos yung oras ko nasayang sa kaniya, may meetings pa kami ni couz di natuloy dahil dito sa babae na to" inis na inis niyang paliwanag di ko alam kung matatawa ba ko o maiinis o maiiyak ayyysst anu ba naman tong pinasok kong gulo. "look Im sorry okay, atsaka wag mo ko ma english english dyan nasa pinas ka wala ka sa ibang bansa" mataray na sabi ko. aba akala niya ata di ko siya papatulan "kuya naman sisingilin mo pa to eh walang wala nga to eh" sabi ni Irish "Fine! but in one condition, I need a secretary right now di siya as in secretary because sometimes you will be in accounting area if there's nothing to do, but don't worry you'll have your salary" inis na explain nung kuya niya.. ngumiti naman ako ng napakalapad sa kaniya "yesssss payaggg ako dyan" excited na excited na sabi ko abaa God is Good talaga biruin mo mag hahanap palang sana ako ng trabaho tas biglaang binigay niya THANK YOU LORD! "okay meet me at this place you need to be there today at 5pm don't be late okay! and you Irish I'll go ahead I need to talk to your kuya Nathan" kaagad na sabi niya at nag kiss sa noo ni Irish halatang nag mamadali na talaga siya kasi tumingin pa siya sa Rolex watch niya. "okay kuya, take care po" magalang naman na sabi ni Irish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD