YANNA’S POV Matapos ang kaguluhan sa courtyard, pakiramdam ko ay may bagong timbang sa balikat ko. Para akong nilublob sa eksenang hindi ko naman hiningi. Parang may spotlight na nakatutok sa akin kahit gusto ko lang ng katahimikan. At hindi ko maalis sa isip ang sinabi ko kay Nathan. “I’m scared of how much I might want you.” Seryoso siya. Hindi siya umatras, hindi siya umiiwas. Pero ako? Takot pa rin. Hindi dahil kay Nathan mismo, kundi dahil sa puso kong parang hindi ko na makontrol. --- IRISH’S POV Hindi ako mapakali buong araw. Pagbalik ko sa apartment, dumiretso ako sa lumang email archive ng pamilya. May matagal nang iniiwasan akong tuklasin, pero ngayon… I couldn't ignore it anymore. Nag-scroll ako hanggang sa makitang muli ang pangalan ni Lohr Villafuerte. May isang email

