Kasalukuyang kumakain ng almusal si Adrian ngayon sa kanilang Mansion sa Ortigas ng mapansin niyang tahimik ang mansion.
"Nanay Nora, nasan po c dad at mom?" tanong niya sa kanilang kasambahay.
"Naku busy po doon sa likod bahay. Nag aayos po sila para sa birthday party ni Rica ngayong hapon."
Tumango siya. Nakalimutan niyang ngayon pala ang kaarawan ng kanyang nakababatang kapatid. Isang linggo na simula ng umuwi siya galing ibang bansa.
"Eh si Rica po nasaan?"
"Maaga pong umalis. May susunduin daw po."
"May kaibigan ba c Rica? " nagtataka niyang tanong.
Malapit sila sa isa't isa kahit limang taon ang tanda niya sa kapatid. Madalas sila magkwentuhan sa videocall nung nasa ibang bansa pa siya. Ngunit wala itong naikukuwento na may kaibigan ito.
"Baka boyfriend niya ipapakilala niya." sabi niya sa kasambahay at bahagyang natawa pa.
Di maikakaila na maraming magkakagusto sa kapatid niya. Di lang ito may taglay na ganda ngunit may ginintuan din itong puso.
Pagkatapos mag almusal ay pumunta sa likod bahay si Adrian para tumulong sa pag aayos.
"Goodmorning Mom, Dad", sabay halik niya sa mga pisngi nito .
"Goodmorning iho"., sagot ng mom niya.
"When are you coming back to US?" tanong ng dad niya.
"Kakauwi ko lang dad. Pinapabalik niyo na ako." sagot niya dito.
"Of course. Miles is looking forward for your engagement."
Bahagya siyang nairita sa sinabi ng ama.
"I don't like her. Mgpapakasal ako sa taong mahal ko", mabilis niyang pagtutol.
"Thinking about your future pag kinasal na kayo mas madaling aangat ang negosyo natin sa ibang bansa. Aba napakayaman kaya ng pamilya nila," pagdadahilan ng ina niya.
Nawalan siya ng ganang tumulong. Kahit kailan talaga walang ibang iniisip ang mga magulang kundi ang magpayaman. Kahit si Rica na napakabata ba ay gusto na nilang i engage sa anak ng business partner nila sa ibang bansa. Kaya napilitan itong umuwi para makaiwas sa plano ng magulang.
Siya ang kasalukuyang namamahala sa negosyo nila sa US. May ari sila ng Arella Malls na may iba't ibang branch sa buong Amerika. Umuwi siya para mgbakasyon at dumalo sa kaarawan ng kapatid. Pinagbigyan niya ang kahilingan nito sapagkat debut ngayon ng kapatid.
Bumalik sa kwarto si Adrian, ayaw niyang makipag debate sa mga magulang niya.
Balak niyang matulog muli. Ipipikit na sana niya ang mata niya ng makatanggap siya ng mensahe mula kay Rica.
"Hey bro, are you up. I have a surprise for you, " sabi sa tet message. Mabilis siya na nag reply.
"Ikaw tong may birthday ako i-susurprise mo. By the way. Happy birtbday little sis. Umuwi ka na."
Di na ito nagreply ulit. Natulog siya muli kasi wala naman siyang gagawin ngayong araw. Ayaw niyang mgbukas ng laptop kasi gusto niyang mag take muna ng break sa negosyo. Ilang taon din siyang puro negosyo.
Napaisip tuloy siya sa sinabi ng mga magulang. Ayaw niyang ma-engage kay Miles. Oo, meron sakanya lahat mayaman, matalino, maganda ngunit nakaka turn off ang ugali nito.
Siya si Adrian Quinn Arella, 23 years old. Isang negosyante, guwapo, matalino at nangako siya sa sarili na mgpapakasal lang siya a babaeng mgpapatibok ng puso niya at wala pang nakakagawa nun.
Hindi siya mapili sa babae ngunit di siya babaero. Pinipili lang niya ang mga babaeng pinapakisamahan niya. Ayaw niya sa mga malalanding babae kagaya ni Miles.
Nakatulog siya sa pag iisip.
Mag aalas tres na ng hapon ng magising si Adrian. Narinig niya na ang malakas na tugtog na nagmumula sa kanilang likod bahay. Base sa narinig niya kaninang umaga alas kwatro ng hapon magsisismula ang party.
Maliligo muna siya at pumasok na siya sa banyo.
Pagkatapos niya maligo ay nghanap na siya ng isusuot. Pinili niyang suotin ang pares ng suit na cream na umaayon na makinis niyang kutis. Litaw na litaw ang angkin niyang kaguwapuhan. Pinagmasdan niya ang itsura sa salamin. Sampung minuto bago mag alas kwatro ng hapon ng nagtungo siya sa venue ng party. Marami ng mga tao ang naroon. Napansin niya rin ang mga local business partners ng mga magulang niya. Napaka bongga ng preparation.
Napansin niyang wala pa ang kapatid sa venue kaya naisipan niyang tawagan ito. Nagring ang cellphone ngunit walang sumagot. Tinawagan niya ulit ito ngunit gaya ng una walang sumagot Tinawagan niya sa pangatlong beses ngunit kinancel ang tawag. Kinabahan siya. Kailanman ay di pa ito nag cancel ng call.
"Mang Nicanor, ihanda mo ang sasakyan,. May pupuntahan tayo" sabi niya sa driver nila.
Bagaman nagulat si Mang Nicanor ay sumunod siya sa amo.
Lingid sa kaalaman ng magulang nila na wala pa si Rica sapagkat busy ito sa pakikipag usap sa mga panauhin. Halos takbuhin niya palabas ng bahay. Gusto niyang hanapin agad ang kapatid.
Dahil sa bilis ng kanyang lakad di niya napansin ang nakaitim na babaeng kasalubong niya, nabangga niya ito.
"Gosh, I'm sorry. Di ko sinasadyang ba-...,"
di niya natapos ang sasabihin ng napagmasdan niya ang isang magandang dilag sa harapan niya. Natulala si Adrian. Mabilis ang t***k ng puso niya.
Dahil di sanay sa heels si Shanie bahagya siyang natipalok ng may bumangga sakanyang lalaki na naka suit. Napakagwapo nito. Matangos na ilong, matangkad, gwapo at halatang bagong gupit. Naisipan niyang baka kagaya niya bisita rin ito ni Rica o baka boyfriend niya ito.
"A-ayos lang a-ako". Nauutal niyang wika.
Di maintindihan ni Shanie bakit ganun nalang ang reaksiyon ng katawan niya sa presensiya ng lalaki. Tinulungan siya nito na makatayo ng maayos. Magsasalita pa sana ito ng biglang.
"Shanie," tawag sakanya ng kaibigan at dumako ang mata nito sa kaharap niyang lalaki. .
"I'm calling you but you cancelled my call., nagtatampong wika ng lalaki.
"I'm sorry, nagpunta pa kami ng salon. You know naman it's my party ",sagot ni Rica. Nakikinig lang si Shanie sa pag uusap naisip niyang baka ito ang lalaking pilit na ipapakasal sa kaibigan niya.
" It's okay. Buti nalang at nakarating kana. Mag uumpisa na ang party." Tumango lang ang kaibigan.
"By the way this is Shanie, she is my friend," kumislap ang mga mata ni Rica habang pinapakilala siya nito. Di niya maintindihan bakit parang nasasabik siyang magtama ang kanilang mga mata.
"..and Shanie this is my older brother Adrian." Sabay turo sa lalaki. Nagulat si Shanie na kapatid pala ito ng kaibigan. Wala namang nababanggit ito sa kanya na may kapatid ito.
"Wag naman older, brother nalang little sis feeling ko tuloy ang tanda tanda ko." sabi ng lalaki. Lumitaw ang mapuputi nitong ngipin ng ngumiti ito. Aminin man niya o hindi na startstruck talaga siya sa lalaki. Napakagwapo talaga nito.
Nasa malalim na pag iisip si Shanie ng mapansin niyang may binulong ang kaibigan sa kapatid nito. Ngunit di niya narinig ito.
"Bro, siya yung surprise na sinabi ko sayo kanina." Ngumiti ang lalaki.
Magtatanong sana siya sa kaibigan kung ano ang binubulong bulong nito ng tawagin ang atensiyon nilang lahat ng emcee at hiningi ang presensiya ni Rica sa gitna. Bago siya tuluyang iwan nito kumindat pa ito.
"Bro, Shanie, I'll be back."