Chapter 3

1403 Words
Tahimik ang mga tao sa paligid habang nagsasalita si Rica. Pinasalamatan niya ang mga magulang niya at lahat ng naghanda para sa set up ng kanyang birthday. Pinasalamatan din niya ang mga panauhin na dumalo. Labis ang kanyang saya ng sa kauna unahang pagkakataon nakapunta si Shanie sa espasyal na okasyon ng kanyang buhay. Habang nagsasalita si Rica ay mariing nakikinig si Shanie. Malaya siyang napagmasdan ni Adrian. Maganda ang kanyang mukha, maamo na animoy parang isang anghel na bumaba sa lupa. Simple lang ang kanyang make up at litaw ang magandang kutis nito sa itim na dress na suot nito na above the knee. Naka heels din ito kaya pumantay ito sa kanyang height na 5'9. Maganda ang kurba ng katawan nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Masasabi niyang sa kauna- unahang pagkakataon ay humanga siya sa isang babae. Pareho talaga sila ng taste ng kapatid niyang si Rica. Tumikhim muna siya na umagaw sa atensiyon ng dalaga. Lumingon ito sakanya saka siya nagsalita. "So, paano kayo ngkakilala ng kapatid ko?" tanong niya dito. "U-uhm, actually nabangga niya ako dalawang taon na ang nakakalipas." Sagot nito sakanya. "At sa di inaasahang pagkakataon naging magkaklase kami." sagot nito sakanya. Tumango muna siya. "So kursong medisina din ang kinukuha mo? " paniniguro niya. "Oo." "Nice." Tumango lang ito sakanya. Kinabahan si Shanie ng bigla siyang kausapin ng kapatid ng kaibigan. Wala sa mukha nito ang pagiging sociable. Mukhang pansin niyang wala itong kinakausap na tao maliban sakanya. Pagkatapos magsalita ng kaibigan saka niya lang napagtanto na nakatayo pa pala sila. Inaya siya ni Adrian na maupo sila sa bakanteng upuan malapit sa kinatatayuan nila. Sumang ayon naman siya. Nakakatunaw ang titig ng binata. Gusto niyang matunaw nalang sa kinauupuan para di na magtama ang kanilang tingin. Ngunit may parte ng puso niya na natutuwa sa presensiya ng binata at di niya maipaliwanag kung bakit. Kumaway si Adrian sa kapatid nito ng mapansin niyang tila may hinahanap ito. Sumilay ang mga ngiti sa labi nito. "Hey there, salamat nga pala Shanie sa pagpunta mo. Ikaw lang ang naging tunay kong kaibigan simula ng umuwi ako dito," sabi ng kaibigan ng nakaupo na ito. "Ayos lang yun, ikaw din naman ang gumawa ng paraan kung bakit ako nakadalo." " Siyempre naman. Regalo kita sa kuya ko." Nagulat siya sa sinabi ng kaibigan. Nablangko ang isip niya. Di niya inaasahan ang kanyang narinig. Napansin ni Rica ang gulat na bakas sa mukha niya kaya tinapik siya nito sa balikat. "Biro lang yun," at natawa pa ito sa kanyang naging reaksiyon. "Akala ko boyfriend mo ang ipapakilala mo sa akin little sis." sabat ni Adrian sa usapan. "Naku wala pa sa isip ko yan bro," "Nahawa na ata ako dito kay Shanie paano ba naman kasi no boyfriend since birth. Masyadong seryoso sa buhay." Tinitigan siya ng lalaki. "So wala ka pang naging boyfriend?" Ngiti lang ang kanyang naging sagot. Napansin niyang bahagyang ngumiti si Adrian. Nagkwentuhan lang sila ng mga bagay bagay. Mga masasayang alala nila sa mga birthdays nila. Dahil simple lang ang gustong celebration ni Rica di na siya kumuha ng 18 roses at 18 candles. Pagkatapos maghapunan ay pinatugtog ang isang love song na hudyat ng pagsisimula ng sayawan. Tahimik lang na nakamasid si Shanie sa paligid. Masaya siya na kahit papano ay nalibang siya kahit saglit lang. Biglang tumulo ng malaya ang kanyang mga luha ng maalala ang ama niya. "Masaya kaya siya sa langit?" ,tanong niya sa isip niya. Isang gwapong lalaki ang umagaw ng atensiyon nilang tatlo. "Pwede ko bang maisayaw ang isang magandang bini bini?, " paglalahad ng kamay nito sa harap ni Rica na bahagya pang yumuko na para bang isang prinsipe. Agad naman tinanggap ng dalaga ang alok nito. Naiwan silang dalawa ni Adrian sa upuan. Makalipas ang ilang minutong katahimikan tumayo si Adrian sa kanyang upuan. Napansin nito na nakatingin sa kinaroroonan nila ang mga magulang. Nakamasid sakanila ang mapanghusgang mga mata nito. Nang kinausap ang mga magulang niya ng isang panauhin. Sinulit ni Adrian ang pagkakataon. "Pwede bang makahiram ng iyong sandali?", tanong ng binata sabay lahad sa kamay nito. Ang akala ni Rica ay isasayaw siya nito kaya tinanggap niya ang imbitasyon nito. Laking gulat niya ng biglang hilahin siya nito papunta sa ibang parte ng bahay. Namangha siya sa kanyang nakita. Dinala siya nito sa isang hardin na puno ng mga bulaklak. Napakaganda nito. Mula roon tanaw ang malawak na kalangitan na puno ng mga bituin. Iginiya siya nito na maupo sa isang bakanteng bahagi kung saan medyo tago at malayo sa mga tao. Malaya nilang napagmamasdan ang langit. Bumuntong hininga siya bago naupo. "Bakit ka kumuha ng kursong medisina?" tanong ng lalaki sakanya. "Bata pa lang ako pangarap ko na ang maging doktor. Marami akong gustong tulungan. Di mayaman ang pamilya ko. Nakapasok ako sa paaralang pinapasukan din ni Rica dahil sa scholarship." ,mahaba niyang paliwanag. " Bakit wala kang boyfriend?", bagamat nagulat siya sa tanong ng binata ay tapat niya itong sinagot. "Ayokong masira ang pag aaral ko dahil sa pag ibig tulad ng mga nangyari sa kabataang kagaya ko. Kailangan kong iahon ang pamilya ko mula sa kahirapan. At magagawa ko lang yun kung naka focus ako sa pag aaral. Di pwedeng mawala ang scholarship ko. Di ko kaya ang gastusin. Wala na ang tatay," malungkot niyang saad. Nakaramdam ng pagkahabag si Adrian sa kanyang narinig. Nung una niya itong makita kanina akala niya mula rin ito sa mayamang pamilya basi sa itsura at kutis nito. Dahil sa kanyang natuklasan masasabi niyang mabuti talaga ang puso ng babaeng kaharap niya ngayon. Alam niyang may kirot sa puso si Shanie na dinadamdam. Kitang-kita niya sa mga mata nito. Unang beses niya pa lang nakita ang babae ngunit mukhang sa kauna unahang pagkakataon ito ang nakabihag ng puso niya. Tinitigan niya ito ng tumulo ang mga luha sa makinis nitong pisngi. Di maiwasan ni Shanie na di malungkot tuwing naaalala niya ang kanyang ama. Kusang tumulo ng malaya ang kanyang mga luha. Akmang pupunasan niya ito ng may malambot na kamay ang dumampi sa pisngi niya. Humanga siya sa lalaking nasa harap niya ngayon. Nagtitigan silang dalawa. Nagulat siya sa sumunod na pangyayari ng biglang halikan siya nito sa labi. Di niya mapigilang makaramdang ng kakaibigang sensasyon sa katawan niya. Ito ang first kiss niya. Kusa siyang tumugon sa mga halik nito. Masaya siya sa kanyang nararamdaman ngayon. Di niya napansin na naglakbay na ang mga kamay ng binata sa likod niya at ikinawit niya sa batok ng binata ang kanyang mga kamay. Matagal at punong puno ng emosyon ang pinagsaluhan nilang halik. Tinumbasan niya ang matatamis na halik na iginawad nito. Di niya napigilan ang sarili. Nakipaglaban siya ng halikan dito. Nakipag espadahan ang kanilang mga dila. Masarap ang pinaparanas sakanya ng binata. Biglang sumagi sa isip ni Shanie na gabi na pala kaya pinutol niya ang kanilang halikan. "I'm sorry," sabay nilang bigkas at bahagya silang natawa pareho. "Baka hinahanap na tayo ni Rica", sabi niya sa binata. Sabay silang tumayo at nagpagpag. Nagulat si Rica ng bigla silang sumulpot sa kinatatayuan nito. Halatang kanina pa sila hinahanap. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Akala ko umuwi a na.", saad nito sa kanya. "Jan lang sa tabi tabi. "sagot niya dito. "Siyanga pala Rica, kailangan ko na palang umuwi baka hinahanap na ako ni nanay." "Ako na magmamaneho." ,alok ni Adrian na halatang masaya. Pagkasabi ni Adrian ay hinagis ni Rica ang susi ng sakanya. Inalalayan si Shanie ng kaibigan para makalabas na sila sa mansiyon. Walang pakialam si Rica sa mga bisita niya. Karamihan sakanila ay mga business partners lang naman ng mga magulang. Nang maihatid na sa kaniyang bahay si Shanie ay masaya itong nagpasalamat sa kanila. "Rica, salamat sa paanyaya. Masaya akong nakadalo. Isasauli ko nalang ang damit mo. Lalabhan ko muna.", bahagya pa siyang nahiya. "Ano kaba sayo na yan. Marami akong damit." "Sa akin ba di ka magpapasalamat?" Tinig ni Adrian ang pumukaw ng kanyang atensiyon. Tumikhim si Rica pagkarinig sa sinabi ng kapatid. "Salamat sa paghatid." Pumasok na siya sa loib ng kanilang bahay. Sa loob ng sasakyan. "Do you like her?", tanong ni Rica kay Adrian. "I guess so. Salamat sa surprise mo. Same talaga tayo ng taste "sabi niya sa kapatid. "Mabait si Shanie. Kung mamahalin mo siya wag mong sasaktan. Kaibigan ko siya." "Makakaasa ka." seryoso niyang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD