Tulog na ang nanay at kapatid ni Shanie ng nakauwi siya.
Nagbihis muna siya. Natulog si Shanie ng may ngiti sa mga labi.
Kinabukasan ay maagang siyang nagising dahil may pasok .
"Kumusta ang birthday ni Rica anak?"
"Masaya po nay. Maraming mga tao,"
"Buti at nag enjoy ka. Pasensiya ka na anak na kailangan mo akong tulungan sa mga gawain."
"Nay, kayo ang pamilya ko. Gagawin ko ang lahat para maiahon ko kayo sa hirap. Kunti na lang nay matutupad ko na ang pangarap ko,."
Niyakap siya ng ina at sabay silang umiyak.
"Tama na nga ang drama baka malate kapa sa klase.", sabi ng kanyang ina at tumawa sila.
Pagpasok niya sa skul ay masaya silang nagkwentuhan ni Rica tungkol sa mga nangyari sa party.
Natapos ang kanilang klase ng maayos.
"Shanie pwede mo ba akong samahan sa mall? May bibilhin kasi ako," pag aaya ng kaibigan.
"Sige wala na rin naman tayong pasok. Pero di ako pwedeng magtagal ". Sumang ayon naman ang kaibigan.
Nang makarating sila sa mall.
"Ano pala ang bibilhin mo?", tanong niya dito.
Di sumagot si Rica ngunit nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti na kanya namang ipinagtaka.
"Hi" , bati ng lalaking may pamilyar na boses.
Lumingon siya at nakumpirma niyang si Adrian nga ito.
Mariin niyang tinitigan ang kaibigan at napagtanto niyang wala talaga itong bibilhin sa mall. Pinlano ng kaibigan niya ang muli nilang pagkikita ni Adrian.
"Pasensiya kana Shanie. Kinukulit kasi ako ni kuya. Mukhang tinamaan ata ng husto sayo. Wala pang babaeng nagpaibig jan." masayang sabi ng kaibigan na halatang kinikilig. Ngpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.
Inaya ni Adrian ang kapatid at si Shanie na kumain sa labas. Sinama niya ang kapatid dahil alam niyang di papayag ang dalaga kung silang dalawa lang ang mamamasyal.
Ayaw ng dalaga na kumain sila sa mamahaling restaurant kasi nahihiya ito. Gusto pa sana nitong tanggihan ang alok niya ngunit pinilit niya. Sumang ayon nalang ito sa bandang huli. Nalaman niya sa kapatid na paborito pala nito ang ice cream at spaghetti kaya ilan ito sa mga inorder niya.
Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain.
"Pwede ba kitang mahalin Shanie?", prangkang tanong niya.
Nagulat si Shanie sa sinabi ni Adrian.
"H-ha?", nauutal niyang sabi.
"Gusto kitang ligawan. Pwede ba?"
Tiningnan niya si Rica. Kahit ang kapatid nito ay nagulat din sa lantarang paghahayag ng damdamin nito. Matagal bago niya nalunok ang isinubong pagkain.
"Gusto kita. Ikaw ang unang babaeng pumukaw ng atensiyon ko," tapat niyang pahayag dito.
Bumuntong hininga siya.
"Di ko alam ang isasagot ko,"
"So ibig sabihin pwde?" pilyo nitong wika.
Napaisip siya sa sinabi sakanya. Oo nga pala para niya na ring sinabing pwede, kasi kung ayaw niya magpaligaw pwede na man niya tanggihan ito ng diretso. Di siya sumagot muli. Nag tuloy-tuloy siya sa pagsubo ng pagkain.
Pagkatapos nila kumsin napagdesisyunan niya na umuwi na baka hinihintay na siya ng nanay siya.
"Salamat.", wika niya ng nagpaalam siya sa magkapatid.
"Ihahatid kana namin."
"Naku, wag na. Marami namang jip."
Di na pinilit ni Adrian ang dalaga baka lumayo pa ito sakanya.
Nang nawala sa paningin nila ang dalaga ngumiti si Adrian ng pagka tamis tamis.
"Bro, simpleng babae ang pinili mong mahalin. May pangarap pa, wag mo sanang madaliin." payo ng kapatid.
"Wag ka mag alala. Kaya kong mag antay. Salamat sa tulong mo," wika niya.
"Ikaw pa malakas ka kaya sa akin."
Umuwi na ang mgkapatid. Pagpasok nila sa mansion. Bumungad sa kanila ang nagtatalak nilang ina.
"Hoy, kayong dalawa. Maupo nga kayo at mag usap tayo ng masinsinan."
Mukhang nakuha na nila ang gusto nitong sabihin.
"Sino yung babaeng inimbitahan mo dito nung debu't mo Rica?"
"At ikaw Adrian akala mo di ko napapansin yung mga malalagkit mong tingin sakanya?"
Di na nagulat si Adrian, inaasahan niya na ito ang magiging reaksiyon ng ina.
"Di ka nababagay sakanya."
" Tigil tigilan mo na yang pakikipagkaibigan mo sa hampas lupang yan Rica. "
"Mom," sabay silang umalma sa sinabi ng ina.
"Kahit kailan di naging masamang impluwensiya si Shanie sa akin. Alam niyong di ko gusto ang kursong medisina. Wala akong alam sa pagdodoktor. Nung umuwi ako ng Pilipinas di ko alam ang patutunguhan ng buhay ko ng makilala ko siya. Sa tulong niya nairaos ko ang dalawang taon sa kursong pinili niyo para sa akin," lumunok muna siya habang umagos ng malaya ang kanyang mga luha.
".siya ang taong naging sandalan ko sa mga panahong wala kayo. Kailan niyo ba ako kinumusta? Kailan kayo nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman ko. Si Kuya lang at si Shanie ang nagpakita ng tunay na pagmamahal sa akin." Tumayo si Rica di niya na kayang harapin ang mga magulang. Di niya kayang tagalan ang pagiging mata pobre ng mga ito.
"Shanie, bumalik ka dito. Di pa tayo tapos mag usap, "sigaw ng ina.
"Hayaan niyo muna siya." Sinundan niya ang kapatid sa kwarto nito.
Kumatok siya ng tatlong beses.
"Little sis, pwede ba akong pumasok?", tanong niya dito.
Pinagbuksan siya ng pinto. Niyakap niya ang kapatid niya. Humagulgol ito ng iyak. Pinatahan niya.
"Shhhh, I'm here.", pagpapakalma niya dito.
"Sarili lang nila ang iniisip nila. Puro nalang ba pera?"
"Naiintindihan kita," pag aalo niya.
Nang mahimasmasan na ang kapatid.
Kumalas ito sa pagkakayakap sakanya.
Naikuwento ni Rica sakanya kung paano sila nagkakilala ni Shanie. Paano ito naging mabuting kaibigan sakanya. Dahil sa mga narinig niya mas lalo niya hinangaan ang dalaga. Hindi ito kagaya ng mga babaeng nakilala niya sa states na pera lang ang habol sa kanya. Napaka simple nito kong manamit. Hindi maarte sa katawan at natural ang ganda kahit walang make up. Masaya siya na nagdesisyon siyang umuwi at nabigyan siya ng pagkakataong makilala ito.
"Siyanga pala bro, kumusta ang negosyo mo?"
pukaw pansin ng kapatid niya na nahalatang malalim ang iniisip niya.
"Ayos naman."
"Pakakasalan mo ba si Miles?", tanong nito na halatang nag aalala.
"No, si Shanie ang pakakasalan ko Rica. Siya lang. Kahit matagal maghihintay ako."
"Sana matupad mo yan bro, kilala mo ang mga magulang natin. They will not let you go easily lalo na pag business ang pag uusapan."
"I know."