BUMALIK sila sa simbahan kung saan ikinasal si Ryan. Naging solid ang decision ni Kisses na harapin ang sitwasyon niya upang sa gano’n ay matapos na lahat. Sakto namang kalalabas lang ng simbahan ang bagong kasal. With Hershey on her side, matapang na lumapit siya sa bagong kasal. “Ryan, best wishes!” Iniabot niya rito ang kanyang gift at nginitian din niya ang napangasawa nito. Ryan kissed on her cheeks. Gusto sana niyang umiwas pero hindi puwede. “Thank you at dumating ka. Sunod kayo sa reception ha.” “Sorry Ryan, pero may importante kaming lakad ni Hershey. Actually, I just dropped by to greet you personally and to hand you the gift,” palusot niya. Nalungkot bahagya si Ryan. “Ah, ganon ba. Sige mag-ingat kayo, ha.” Binalingan nit

