Chapter Two

2463 Words
THE meeting ended well. After mapapayag ni Kisses si Hershey ay itinuloy niya ang pag-discuss ng mga details ng event. Madali silang nagkasundo ng mga magulang ni Hershey sa lahat ng demands ng  kliyente niya. Masarap din kakuwentuhan ang mga ito. And she was a bit shocked when she found out that the couple was already on their early fifties since they both looked younger. Kapag nga tumatabi si Hershey sa magulang ay mapapagkamalang magkakapatid lang sila.  She remembered her parents. Even her mom and dad were already on their fifties, too, and no one could tell that right away. Her parents looked a bit younger, too. Madalas  na napagkakamalang nakatatandang kapatid niya lang ang mga magulang niya.               “Kisses, Hija. Why don’t you join us for lunch?” alok ni Mrs. Leanne.             “Oo nga naman, masarap magluto iyang binata namin,” dagdag pa ni Mr. Zyren.             Nilingon niya si Hershey na nakangiti lang at napapakamot sa ulo. “Binebenta na naman ako ng magulang ko.” Binalingan siya nito. “Pero ’wag ka nang tumanggi. Masarap talaga akong magluto. Totoo iyon.”             “Wala naman akong sinabing hindi, ah,” nakangiting  tugon niya. Of course, she knew it. Ilang beses na rin siyang nakapag-dine in sa restaurant ng hotel na iyon kasama ang kanyang pamilya at minsan, kasama si Ryan.             “Sabi ko nga. Let’s go?”  He led her again towards the door.             “Mauna na kayo, anak. Susunod kami ni Beybs!” biro ng ama nito sa asawa.             “Yuck ka talaga, Zyren. Ang tanda na natin para sa beybs beybs na iyan,” reklamo ng nanay nito.             “Ayaw mo na sa akin?”             “May sinabi ba ako… Beybs? But seriously,  Hon, it’s not proper to our age anymore.”             “But I love that beybs thing.”             “Bahala ka na nga sa buhay mo, Zyren!”                Kisses heard Hershey chucked. Hindi niya maiwasan na mapangiti rin habang papalabas na sila ng office. It’s so nice na sa edad ng mag-asawang iyon ay nagagawa pa nilang maglambingan na parang kahapon lang sila na-in love. What she witnessed made her dream of one great true love, too…with Ryan of course.              “Pasensya ka na sa magulang ko. Minsan talaga para silang bata,” sambit ni Hershey habang nasa elevator na sila at papunta na sa restaurant na nasa 2nd floor.             “Sus. Wala iyon. Parang gano’n din ang magulang ko. Bumabalik sa pagka-teenager minsan.” Binuntutan niya ng tawa ang sariling biro. Na-distract lang siya when she heard a camera click. Kunot-noong binalingan niya si Hershey.  “Napapansin ko lang, nakakailan ka na, ah. Ang mga models may bayad ’no!Ano ba’ng gagawin mo sa pictures ko? Kukulamin mo ba ako?  At bakit puro stolen shots? Puwede naman akong mag-pose para maganda ang kuha ko sa camera mo,” pabirong hirit niya.             Napatawa naman niya ito. “I just love stolen shots. Natural, totoo, no lies, no pretentions.”             “Amen.”             “And I don’t have plans to be a modern witch.”             It’s her turn to laugh. “Hindi ba nagagalit ang girlfriend mo dahil puro stolen shots ang kuha mo sa kanya at kung sino-sino ang kinukuhanan mo ng stolen shots?”             “Hindi.” He clicked again his camera on her. Ngumiti siya.  Then he looked at the screen of his camera. “Wala pa naman akong girlfriend.”             She gave him a doubt look. Sa guwapong ito, wala pa itong girlfriend? Bulag na ba ang mga babae sa mundo? Ano’ng mali at wala itong  girlfriend? Wala ka namang BO ah!  Pasimple niyang inamoy ito. Good thing hindi na niya kailangang mag-effort dahil kanina pa niyang nasisinghot, unintentionally ang men scent nito. Ang bango mo nga, eh. Ay, sira ulo lang siguro ang mga babae ngayon…choosy.             “Seryoso, wala talaga akong girlfriend so stop that doubt look, Kisses.”  He bestowed her a sweet smile followed by a simple wink.              Nagpauto naman ang puso niya. Her heart suddenly skipped a bit. Hindi naman siya tomboy para hindi madala sa pagpapa-cute nito.  And how could he pronounce my name in a very sweet way? Hindi niya alam kung bakit pero tila gumanda nang mas maganda pa sa ganda niya ang kanyang pangalan nang banggitin nito.             Ang elevator’s sound na nag-indicate na nasa tamang floor na sila ang gumising sa kung ano-ano’ng iniisip niya.             “We’re here.” Pinauna siya nitong makalabas ng elevator pagkatapos  ay sinabayan siya nitong maglakad papunta sa restaurant. “Hindi ka naniniwalang wala akong girlfriend ano? Don’t worry hindi ka nag-iisa. Lahat ng nagtanong sa akin ’di rin naniwala agad.”             “Wala akong sinabi, Hershey,” pakonswelo niya rito. Pakiramdam niya kasi ay hindi rin maganda ang dating dito ng negatibong tanong na, “Bakit wala pa?” na paniguradong laging kabuntot ng tanong na, “May girlfriend ka na?”  Babago pa lang niyang kilala ito at wala siya sa lugar para mang-usisa. Kliyente ka nila, Kisses, so behave.             He smiled. “Ikaw, may boyfriend ka ba? ’Wag mo na lang sabihin na may nagnakaw ng pictures mo.”             Umiling siya. “Wala ako no’n.”             It’s now his turn to give her a doubt look.  Tila hindi rin ito naniwala na wala siyang boyfriend.             “O, wala akong sinabi kanina kaya dapat wala ka ring sasabihin para quits!” Inunahan na niya ito sabay tawa.             Wala tuloy itong nagawa kundi ang ngumiti. Binuksan nito ang pinto ng restaurant at pinauna siyang pumasok. Agad na binati siya ng mga staff do’n bilang paggalang sa guest.  Of course, binati rin ng mga tao roon si Hershey.             Inihatid siya ng binata sa isang table for two. “How about your mom and dad? I thought they will dine with us?”             “Yeah, pero sabi ni Dad magkatabing mesa for two. Hindi iyon papayag na ’di niya solo ang mommy ko.”             “Nakatutuwa talaga ang parents mo,” komento niya.               “Thank you. Diyan ka muna ha. I’ll get food and serve them personally. By the way, ano’ng gusto mo nga palang kainin?”             She picked the menu. “I want your specialty, Salmon Schnitzel and  Beef Cannelloni, and Bacon-Corn Chowder with Shrimp.”             “Any for dessert please?”             Inilipat niya ang paningin sa listahan ng mga desserts. She love sweets so much. Isa iyon sa namana niya sa ina na isa’t kalahating addict sa chocolates. Parang lahat ng desserts na naroon ay gusto niyang tikman. Hay, puwedeng lahat?  “Ahm, marble cake and caramel shortbread.”             “Alright. Wait there, I’ll get our food.”             Tumango lang siya habang ito naman ay ngumiti muna bago umalis. Naiwan si Kisses sa mesa. Pasimpleng pinagmasdan niya ang paligid. Cozy, elegant, luxurious. Gaano kaya kayaman ang mga Castillo?  She also came from a rich family.  Her father owned a university with different branches. Though hindi naman super yaman ang pamilya niya, masasabi pa rin niyang nakaaangat ang pamilya niya sa buhay. But despite of the social status, she, her  kuya Cholo, and three other siblings never lived in luxury. Tinuruan sila ng kanilang mga magulang na manatiling nakatapak ang paa sa lupa, nagsisikap, at may pahalaga sa bawat sentimo na meron sila sa bulsa.              Iyon din ang humble thing na nakita niya kay Hershey. Ni hindi niya ito nakitaan ng kahit kaunting hint na ipinagyayabang nito ang yaman nito though sigurado siyang milyones din ang net worth nito bilang tagapagmana ng hotel na iyon.             Mayamaya pa’y bumalik  na ang binata. Bahagya siyang nagulat nang makita ito. Gone with the chef uniform. He was wearing a simple polo and jeans. Ang hindi lang nawala ay ang camera nitong nakasabit sa leeg.             Ngumiti ito sa kanya bago nito inihain ang mga pagkain sa mesa nila.             “Iyong parents mo, nasaan na?” tanong niya pagkatapos nitong maupo sa tapat niya.             “Ah, sabi ni Mommy tinatamad na siyang bumaba. Nagpadala na lang ako ng lunch sa pad ni Dad.”             “Gano’n ba?”             “Yeah, let’s eat. Take this as a treat for a business deal closed. So eat well and enjoy,” he said with a smile.             “Thank you.”  Sinimulan niya ang soup. It was her favorite in this restaurant kaya naman sarap na sarap siya. Then she started eating the pasta dish. The fact that the man behind these luscious foods was in front of her, made her feel special.  Iilan lang ba’ng pagkakataon sa mundo ang makakasabay  mo sa hapag ang isang exemplary chef at ine-enjoy mo ang pagkaing ang kaharap mo mismo at ang expertise niya ang may gawa? “Sa abroad ka ba nag-aral ng pagluluto?”             “Yeah.” Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkain nito.             Saka lang din napansin niya na parehong pagkain lang ang kinakain nito. She smiled at tiningnan ang binata sa mata. “You’re cuisine expertise is very world-class.”             “Thank you.”             “Magaling kang magluto kaya nga pabalik-balik din ako dito sa restaurant na ito, eh.”             A trace of surprise enclosed him. “You’ve been here?”             “Oo, madalas kami rito ni Ryan.”             Biglang nawalan ng expression ang mukha nito. “I thought you don’t have a boyfriend.”             Napangiti tuloy siya. Kung hindi lang siya aware na ngayong araw lang sila nagkakilala baka isipin pa niyang may kasamang selos ang sinabi nito. May gano’ng banat agad, Kisses? Adik you? “Wala nga. Best friend ko si Ryan.”             “Ah...”             Moments of silence took over. Sinamantala naman niya iyon para lalong lasapin ang  tanghalian niya. Nang matapos siya sa main dish ay sinunod niya agad ang caramel shortbread. Hindi siya binigo ng dessert. It was also the best caramel shortbread she ever tasted.             “Ikaw rin ba ang gumagawa ng dessert?” tanong niya.             “Oo, all-around chef ako hindi lang halata kasi sabi nila hindi bagay sa akin ang napili kong career. Wala raw kasi sa mukha ko ang tipong marunong magluto.”             “Dapat kasi nag-artista ka o model. You have the face and body—“ Pasimpleng natutop niya ang bibig nang mapagtanto ang kanyang pinagsasabi. She was innocently praising him.             He just smiled.“Well, thank you but hindi ko type ang showbiz. Walang private life ang artista at model. Ayoko ng gano’ng buhay. Masaya na ako sa kusina ko.”              Ay sineryoso? “At sa camera mo,” dagdag niya.             He laughed. “Right. Which reminds me…” Iniangat nito ang camera and she heard the familiar click again. Hindi siya ready sa isang iyon. Nakuhanan tuloy siyang nakanganga at akmang susubo ng caramel shortcake.             “Ikaw, abusado ka rin, eh. Kakikilala lang natin, ang dami mo na agad picture ko. Burahin mo iyan. For sure pangit ako riyan.”             “No, no. Look.”  Ipinakita nito sa kanya ang huling kuha. “Cute mo nga, e.”             Nagdududang-tingin ang ibinigay niya rito. “Ano’ng cute sa babaeng walang ka-poise-poise sa pagnganga?”             “Ikaw.”             “Anong ako?”             “Ikaw ang cute.”             “Bolero. Ine-echoz mo lang ako no’ng sinabi mong wala kang girlfriend, ano? Sa bolero mong iyan!”             “Hindi ako bolero. Honesty ang tawag do’n. And I’m honest. I’m available, free, and single.”             “Oo na. sige na—”             Her phone rang. She got excited when she saw Ryan’s name registered on the screen of her cell phone. OMG! “Hello, Ryan. What’s up?”             “Ahm, Kisses tuloy tayo mamaya ha,” sambit nito sa kabilang linya.             “Sure, no problem.”             “Okay. I just confirm our meeting. See you. And take care while driving. Nasaan ka ba ngayon?”             Lihim siyang napangiti. Kahit kailan talaga maaalalahanin itong si Ryan. “Sa Neryz Ennael. I have a client meeting.”             “Oh, sige. I’ll call you later. Take care.”             “Okay, Ryan. Take—” Busy tone na. Mukhang nagmamadali na naman ito. Well, walang bago. Palagi namang gano’n ito sa kanya, lately. Tila palaging malalim ang iniisip nito at the same time ay palaging aburido. Alam niyang may pinoproblema ang kaibigan niya pero tikom naman ang bibig nito ’pag inuusisa niya. Ano kaya’ng problema ng isang iyon?               Nahinto ang pagmumuni-muni niya nang marinig na naman niya ang click ng camera ni Hershey.             “Hay naku, Chef Hershey. Masisira na iyang camera mo mamaya. Puro ako na lang kasi ang laman niyan. Hindi mo ba alam? Virus ako,” biro niya rito.              “Kung gano’n, ikaw ang pinaka-cute na virus na nakita ko,” patol nito sa biro niya.             “Sige, bumanat ka pa, Mr. Castillo.”  Nag-peace sign siya at nag-pose nang maganda nang iangat uli nito ang  camera nito at kuhanan muli siya ng picture. He just laughed on what she said. Ah, isn’t he really cute, huh?             Hindi niya alam kung bakit pero ang dali niyang nakagaanan ng loob ang binatang chef na photographer na ito. She had a feeling that he would be one of her trusted friends soon. Plus he was a damn eye-catcher, too! Guwapo, mabait, sweet, makulit, magaling magluto, at bolero. What more she could ask for? Natigilan bigla si Kisses. Teka bakit pinupuri ko ng bonggang-bongga ang isang ito? May Fafa Ryan ako!             She glanced on her wrist. Kailangan na niyang umalis dahil magpapaganda pa siya bago siya makipag-meet kay Ryan. “Ah, tatawagan na lang kita Hershey para sa food tasting ng client natin and for other necessary matters. Ahm, I think I have to go. Thank you for the lunch.”             “Ah, sige sure. But wait.” Inilapit nito ang mukha sa kanya.             Her heart suddenly beat faster the moment her system recognized his presence. Sa isang iglap, cheeks to cheeks ang naging drama nila as he clicked on his camera. Agad ding ito lumayo sa kanya. Ngunit hindi na napahinto ng paglayo nito ang pagkabog ng puso niya.             Ano ba’ng nangyayari sa akin?             “That’s a remembrance of our first day of friendship. I’ll wait for your call, Kisses. Tara, hatid na kita sa parking lot.”             He then carelessly held her hand as they walk out of the place. Wala na siyang nagawa kundi ang matameme na lang. Sa buong buhay niya, ngayon lang ata niya naranasan ang kakaibang pakiramdam na iyon na hindi niya mailarawan nang tuwiran. His hands against hers gave her a warm feeling she really couldn’t explain literally.             Hanggang sa makarating sila sa kotse niya ay hindi pa rin maawat ang puso niya sa pagkabog. Anovey? This is so weird.             Nakapasok na siya sa kotse at na-start na rin niya ang makina nang katukin ni Hershey ang bintana ng kotse niya. Ibinaba  niya ang bintana.             Isang click sa camera ang sumalubong sa kanya. “Nice meeting you, Kisses.”             “Nice meeting you too, Mr. Camera addict.”             “Take care!”  He waved.             Itinaas na uli niya ang bintana ng kotse at nagmaneho na palabas ng parking lot. Napatingin siya sa side mirror at napapangiting napapailing. Caught in the mirror, Hershey was capturing photos of her car as it moved away from him.             “Such a cute playful guy,” komento niya. “At ang bango-bango. Kung ganyan naman lagi ang mga ka-transaction ko aba, Lord, magtitirik ako ng sampung kandila linggo-linggo!”Tinawanan niya ang sariling biro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD