Chapter Four

2812 Words
“KUYA? Busy ba ang guwapo kong kuya?” hirit ni Leiren, ang only girl na kapatid ni Hershey nang sumilip ito sa room niya after kumatok nang tatlong beses. Abala si Hershey sa pagpaplano ng off-site catering service ng restaurant niya. Wala siyang oras na dapat sayangin dahil kailangan na niyang maayos ang details ng panibagong service ng Chembrant in span of few weeks. Well, meron naman siyang pre-plan noon pa. He just needed to double check the details and update everything that had to be updated. Nagkalat sa mesa niya ang mga printed copies ng client demands na ipinadala ni Kisses sa kanya few hours ago. Hawak pa niya ang isang papel nang iangat niya ang isang kamay para senyasan ang kapatid na pumasok. Pagkatapos ay bumalik ang kanyang paningin sa laptop. He’s polishing the contract for Kisses’ client. “Hindi ko tataasan allowance mo kahit bolahin mo ako ng todo, Lei,” tugon niya. “Hindi ako hihingi ng additional allowance, Kuya.” She seated on the side of his bed habang siya naman ay nasa working table niya. “Nabigyan na ako ni Mommy at ni Dad ng extra money at pati na rin si Kuya Golen, nagbigay rin. Eh, baka kasi willing ka ring magbigay ng reward sa akin, Kuya.” Napailing siya. Nasa second year college pa lang ang kapatid niyang ito, may utak negosyante na talaga. Hindi raw humihingi ng allowance pero doon din naman ang pinupunto. “At bakit ka nabigyan ng reward, ha?” Isang sobre ang ibinigay nito sa kanya. He read the letter and smiled. Academic report iyon mula sa university kung saan ito nag-aaral. “Good. Congratulations! Top Dean’s lister ka na naman. Keep it up, little daughter, okay.” Ibinalik niya ang sobre dito. “Iyon lang? Walang reward?” tila nagtatampong sambit nito. Ipinangako kasi nila rito na bibigyan ito ng reward kapag naging consistent dean’s lister ito. Wala silang hinangad sa bunsong kapatid kundi ang makapag-aral ito nang mabuti at ’wag munang maisipang mag-entertain ng mga manliligaw. Medyo marami rin kasi ang nagtatakang manligaw dito. He laughed. “Kailan ba ako nawalan ng reward sa ’yo? How about a new DSLR camera?” Tumayo siya at kinuha niya sa cabinet ang brand new na Nikon D3500 at ibinigay sa kapatid. Nakuha nito sa kanya ang interest sa photography kahit hindi naman related iyon sa kurso nito. Hotel and Restaurant Management kasi ang kinuha nitong course para naman daw makatulong din ito sa negosyo ng pamilya na halos lahat ay in line with hotel, resorts, and recreational establishments. “Wow, Kuya!” Niyakap siya nito. “Salamat, I love you talaga!” Hindi na napawi ang ngiti niya. Lei was their one and only princess. At bilang kuya, hindi maiwasan na i-spoil niya ito but at the same time, he was a little protective and strict. “Mas maganda pa iyan sa camera ko kaya alagaan mong mabuti. At unahin ang pag-aaral kaysa sa photography, ha.” “Sure, kuya, basta tuturuan mo pa ako sa photography, ha?” He took a crash course in photography and videography nang makatapos siya ng culinary degree. And now he’s enjoying the benefit of working with his profession and enjoying his passion all at the same time. “During sem-break, Lei.” “Yes!” She kissed on his cheeks. “I love you, Kuya. Thank you for this.” He nodded. At pagkalipas ng ilang minuto, tahimik na uli ang kuwarto niya matapos lumabas ng makulit niyang kapatid. Bumalik siya sa working table niya. His phone rang. Ang pinaka-cute na kuha niya kay Kisses ang nagbi-blink sa screen cell phone niya. He immediately answered the call. “Good evening, Miss Sandoval,” he addressed. “Good afternoon, Mr. Castillo. I’ll just wanna ask if we can set the food tasting session two days from now? Can you make it? Pasensiya ka na pero masyadong hectic ang schedules ni Rover. Gusto naman nilang present sila pareho sa food tasting.” Napapangiti siya. He admitted to himself that he was a little attracted to her. It was a like at first sight case. Kisses was his type of woman. Aside from her unique beauty, she’s also into business like him. Maliban doon, he admired her jolly attitude. It was nice to think that they jived in just few hours. Matagal na siyang hindi nagkaka-interes sa babae. Ngangayon lang uli. “Sure, no problem. Ikaw pa ba, Kisses? Malakas ka sa akin, eh.” “Malakas agad? Nakuha ka lang sa ngiti, eh.” “Marupok as charged!” nakangiting tugon niya. Bahagyang tumawa ito. “Anyway, Hershey, ang request ng client ko ay European and Asian dish. Desserts will be cakes, pastries and salads. I already sent all the details in your email regarding their menu choices. Just a tip, the bride-to-be loves chocolates.” “Okay noted. Ikaw, do you love chocolates too?” “Super! Stress-reliever ko ’yan. Iyong tipong chocolates lang sapat na para mapasaya ako. That’s heaven . . . Ooops!” He heard her laughed at the other line. Isn’t she the cutest? “That’s good. I’ll prepare chocolates for you too.” “Ha? Bakit nasali ako?” “Because, you’re . . . cute.” “Ay, nambobola ka na, Hershey. So, settled na tayo, ha?” Sinabi nito ang oras ng food tasting. Alanganing oras pero okay lang naman sa kanya. Agad naman niyang hinagip ang kanyang planner. “Sure.” “Okay, see you then.” “Yeah, and take care.” He had a sweet smile as the phone call ended. Hindi niya namalayang ang dalawang kapatid ay nagbubungisngisan at nakikiusyoso na pala sa may pintuan. “Ano’ng ginagawa n’yo riyan?” “Kuya, may chicks ka ano?” hirit ni Lei. “Bro, magkakaroon na ba kami ng sister-in-law?” hirit naman ng Kuya Golen nila. Golen used to be the General Manager of Neryz Ennael Corporation but he decided to give up the position to handle the family business abroad. Now, he was back to manage his own company, the ZLCD Realty Corporation. It was a company that had something to do with real estates development. Nakapagtapos ito ng Architecture at kumuha ng second course na Structural Engineering, ngunit dahil panganay, wala itong nagawa noon kundi magtrabaho sa company ng kanilang magulang habang tinatapos nito ang dalawang kurso. “Sure, pero mauna ka munang mag-asawa, Kuya.” “Ay malabo ’yan, bro. Kakaunti ang Pilipinong lumalapit sa akin sa Hawaii. Eh, ang gusto ko, Pilipino pa rin ang makatutuluyan ko.” “Eh, ’di dito ka sa Pilipinas maghanap.” “Sus, nakatatamad.” They laughed. Pareho sila ng kuya niya na wala pa talaga sa isip ang pag-aasawa. Iyon nga ang dahilan kung bakit siya iniwan ng ex niya. An image of his ex-girlfriend passed his mind. Jowi was the woman he spent three years of his life. They were okay until she kept on insisting the possibility of marriage. Way back then, Hershey was not ready yet. Sinabi niya rito na plano muna sana niyang maging established Chef bago mag-settle down. That time, kapapamana lang sa kanya ng Chembrant ng tito niyang matandang binata. He was still taking his baby steps in food industry. Ayaw niyang mawala sa focus. Selfish reason, he thought that settling down would be a hindrance for him to succeed during those times. As he thought Jowi perfectly understood him well, one day he was proven wrong. She broke up with him and told him that she couldn’t wait for him to be ready. Nagtrabaho ito sa isang art gallery sa U.S. Wala pang dalawang buwan matapos nilang maghiwalay ay nabalitaan niyang nagpakasal na ito sa isang British Navy. And just last year, she gave birth to a bouncing baby boy. Paano niya nalaman? He was still connected to her on social media accounts. Hinihintay niya kasing ito ang mag-unfriend sa kanya o mam-block pero hindi iyong nangyari. “Mauna ka na lang, bro. Meron ka na ata,” tudyo ni Golen na nagbalik kay Hershey sa reyalidad. “Wala pa.” Though, he’s targeting someone. An image of Kisses, taking her cute poses registered his mind. Sana nga . . . nang magkakulay naman ang buhay ko. “’Wag muna!” kontra naman ni Lei. “Ako na lang muna ang mahalin n’yo.” “Ayoko. Mataas ang maintenance,” hirit niya. They shared a bunch of laughs again. Na-miss niya ang mga ganoong klaseng usapan nilang magkakapatid. They hardly get together in one place. Lumaki na sila sa ganoong environment. Their parents were CEO of their own companies kaya bibihira silang makompleto sa bahay. Minsan nga kahit nasa iisang bubong sila, hindi sila nagkikita. Hershey always spend his time in his room, his Kuya Golen was always on-the-go here and abroad, and Lei was always busy with her schooling. “Bro, labas tayo. Tara sa Senang Hati, inom tayo,” anyaya ni Golen. Isang high-end bar ang tinutukoy nito. “Pero marami pa akong gaga—” Wala na siyang nagawa nang i-close nito ang laptop sa harap niya. “Bukas na iyan! Tara na!” Naiiling na napatayo siya sa kinauupuan para sumama rito. Hindi masyadong gimikero si Hershey unlike ng kuya niyang namana ang pagiging gimikero ng kanilang ama. Napapapunta lang siya sa bar sa dalawang dahilan: una para sa client if may bar and resto na humihingi sa kanya ng consultation tungkol sa menu nila at pangalawa, ’pag kinakaldkad siya ng kanyang kapatid. “Sama ako!” habol ni Leiren. “No!” korong hirit nilang magkapatid na nakapagpasimangot naman kay Lei. “Mambababae lang kayo roon, eh. Isusumbong ko kayo kay Mama!” maktol pa nito na tinawanan lang nilang magkapatid. Inihagis ng kuya niya ang car keys sa kanya. “Please, do the honor,” natatawang saad nito. Hindi pa ito allowed magmaneho uli dahil expired na ang driver’s license nito sa Pilipinas. Few minutes more, they were on their way to the famous high-end bar, Senang Hati Music Lounge. Kaibigan niya ang may-ari ng bar na member din ng sikat na banda, ang Karisma Band. Isa rin siya sa naging food consultant ng bar kaya may easy access siya sa loob. He just showed his gold card to the guard at agad naman silang pinapasok nang hindi na pumipila. Maraming tao sa bar nang gabing iyon dahil may show ang Karisma Band. Isa sa staff ng Senang Hati ang sumalubong sa kanila. “Good evening, Sir Hershey. Please, follow me.” He just nodded. “Bro, I have a confession to make,” bulong ng kapatid niya. “Niyaya talaga kita dahil sa VIP access mo.” “Sira!” Inihatid sila ng male usher sa isang VIP lounge sa second-floor balcony ng bar. “Enjoy the night, sir,” sambit ng usher sabay alis. Mula roon ay tanaw ang stage kung saan nagpe-perform ang Karisma Band ng kanilang rendition ng kantang Locked Away of Adam Levine. Naupo silang magkapatid sa couch. His brother volunteered to order food and drinks for them. At habang abala ang kapatid sa pakikipag-usap sa waiter, abala naman si Hershey sa pakikinig sa banda at pagtingin-tingin sa paligid. “Kararating lang natin, naghahanap ka na agad ng target?” biro ni Golen. Tumawa siya nang balingan niya ito. “Hindi naman. Tinitingnan ko lang at baka may kakilala ako sa paligid.” “Dalas-dalasan mo ang paglabas-labas kasi, Hershey. There’s still a life outside your kitchen,” payo nito. Nakisilip din ito sa partying crowd. “At saka, ’wag ka masyadong secluded. Para kang pagong, eh. Masaya ka na sa shell mo. I was glad that finally, you are going to extend your food service to off-site catering. Matagal ko nang sinasabi ito sa ’yo, bro. The potential of Chembrant to grow bigger is endless. Food is a basic need.” “Maraming business players sa food industry, Kuya. I have to be more than 101% sure before I go outside the box.” “Competition is just a word. Come on! You are not Chef Hershey Castillo for nothing. Parang lugaw lang iyan, Hershey. Maraming klase ng lugaw sa market. Mula sa nilalako sa kalye, sa karinderya, sa simpleng restaurant hanggang sa high-end resto like Chembrant. Lugaw is essential. Kahit saan may lugaw. Nagkakatalo na lang iyan sa lasa at presyo. And I am confident that your Chembrant can do a lot better than a being a dine-in resto.” Nagpatango-tango na lang siya. Matagal na siyang kinukulit ng kanyang pamilya tungkol sa expansion. Ang dami nilang suggestions. Catering service was just one. They also wanted him to branch out more resto outside Neryz Ennael Hotel. “Fine. I have no choice but to embrace the catering service for now. Nakakontrata na ako.” “Great!” The waiter interrupted their conversation. Hinintay na lang nilang matapos mag-serve ng food and drinks ang waiter bago muling nagsalita ang kuya niya. Agad na iniabot sa kanya ng kanyang kuya ang isang bote ng pale pilsen. “Alam mo, matagal ka na naming pinipilit sa catering service na iyan, eh. Pero ngayon ka lang bumigay sa pamimilit. That event coordinator must have something for you to say yes. Tell me, type mo iyong event coordinator, ano? Maganda ba?” Tinawanan niya ito. “Well, you can say that.” “I’ll take it as a yes.” Golen raised his bottle to him. “Cheers to your new business expansion venture. Ant to your love life!” “Cheers!” Magkapanabay nilang nilasap ang unang lagok ng alak nila para sa gabing iyon. “Kinausap ako ni Mama at Dad, bro,” maya-maya’y sambit ng kuya niya. Nagpatango-tango siya. Sabi na nga ba’t may gusto talaga itong pag-usapan kaya ito nagyayang mag-bar. “So, what is it now?” tanong niya. “Mag-asawa na raw tayo. Gusto na raw nila ng apo.” Nasamid siya sa ininom na beer. Sabay silang napatawang magkapatid. “Eksakto! We are here in the right place. Senang Hati is a place where you find your happiness,” biro niya. Iyon kasi ang mababasa sa electronic board sa labas ng bar— A place where you find your happiness. Indeed, nakilala ang bar sa ganoong imahe. It gave hopes to people who were finding happiness. May mga success love stories din na sa bar nagsimula. Hershey found it a good marketing strategy. Sa dami ng taong naghahanap ng kapareha sa buhay, maraming papatol sa chance na posibleng doon sa bar nila matagpuan ang kanilang happiness. Napakamot ng ulo an kuya niya. “Seryoso ang mga magulang natin nang sabihin nila iyon sa akin. Eh, bro, since interesado ka naman doon sa event coordinator na iyon, mauna ka na, ah.” Binato niya ito ng crumpled tissue. “Anong mauna na ako?” Tumawa ito. “Mauna ka nang mag-asawa. Tapos mag-baby kayo agad.” An image of Kisses flashed his head. The idea was tempting but that was not that easy. “Not ready yet.” “Mahal mo pa si Jowi?” seryosong tanong nito. Nagkibit-balikat siya. “Hindi na. Let’s say, mahirap kalimutan iyong relasyon namin at kung paano ako nasaktan nang iwan niya ako para magpakasal sa iba.” “Paano ka makalilimot kung ka-Facehook mo pa? Blocked her and moved on.” “I told you, I’m not interested! Leave me alone!” Hershey heard a familiar voice. Nahinto ang usapan nila nang kapwa sila mapalingon sa may hagdan. Nakita niya si Kisses na umaakyat ng hagdan, ’di kalayuan sa puwesto nilang magkapatid. May kasunod itong lalaki na parang pinipilit si Kisses na sumama rito. Hershey felt the urgency to take her away from that guy. May hawak ito na isang baso na nangangalahati pa lang ang bawas. “Sandali lang, Kuya,” paalam niya kay Golen sabay tayo. Hindi na niya hinintay ang tugon ng kapatid. Mabilis siyang naglakad sa direksyon ni Kisses. Hindi alam ni Hershey kung bakit bigla siyang nagpaka-hero. Basta ang alam niya, kailangan niyang sagipin si Kisses. By the look of that guy, mukhang may balak itong masama sa dalaga. Hindi muna siya agad lumapit dito. Pinakiramdaman niya ang paligid. Baka kasi may mga kasama naman ito. Ngunit nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa mga ito ay biglang marahas na hinawakan ng lalaki ang braso ni Kisses. “I said no!” Nagpumiglas ito sa pagkakahawak ng lalaki. Nagmadali na si Hershey. Nang hustong makalapit ay agad siyang pumagitna sa dalawa at nakangiting hinarap si Kisses, hoping na sakyan nito ang kung ano mang lalabas sa bibig niya, mailayo lang ito sa lalaking gusto mang-harrass dito. “Babe, I’m glad I found you.” He winked sabay akbay dito. Nagulat si Kisses sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD