Prologue: Inspired

315 Words
Buhok kong nakatali gamit ang aking kulay pulang laso; shoulder bag na lagi kong bitbit na maliliit at konti lamang ang laman; kulay itim na sapatos na may puting puntas; maikling uniform; at perfume na kasing-amoy ng isang marilag na lavender. Lahat ng mga ito ay nakapani-panibago sa isang babaeng katulad ko na umibig sa lalakeng may isang taong agwat sakin. Junior siya at ako naman ay sophomore. Sa tuwing makikita ko siyang tumatawa at nag-aasaran kasama ang mga kaibigan niya, naiisip ko tuloy na paano kaya kung ang babaeng katulad ko ay kabilang sa grupo nila. Magiging ayos lang kaya ako? Mahuhulog ba siya sa akin kung nagsimula akong maging malapit sa kanya? Maiinis ba siya at magagalit kapag ginawa ko 'yon? Sa totoo lang, ayokong mapasama sa kanilang barkada ngunit dahil nandiyan siya, nais kong makasama siya kahit kakailanganin pa 'yan ng ilang mga tao. Makasama lang siya ay sapat na. Alam kong hindi pa niya ako napapansin sapagka't kakalipat ko lang sa paaralang ito kahapon lang. Kahapon noong tumatakbo ako patungo sa classroom, pilit na hindi mahuli sa klase, nakita ko siyang nakasandal sa tapat ng bintana ng hallway habang nakapangalumbaba. Seryoso niyang pinagmasdan ang tanawin sa labas bagaman ang hangin ay marahang dumampi sa kaniyang maamong mukha. Para siyang isang prinsipeng hinihintay ang kaniyang mahal na prinsesa. Do'n nagsimula ang pagkahulog ko sa kaniya. Gustong-gusto ko siya at malaki ang paghanga ko sa kaniya. Hindi ko akalaing gano'n ang binigay ng Diyos sa unang araw ko rito. Malaki ang pasasalamat ko sa Kaniya dahil biniyayaan niya akong makita siya. Right this month is July. It's the month of my first time in everything; first time falling in love with a guy in just a short glance; first time changing my appearance; and my first starting line in life. July, it is when I started to spread my wings just for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD